II - BAD PLAN TURNS OUT TO BE A GOOD ONE.

974 12 2
                                    

Thank you sa mga bagong nag-add sa RL :D isa na si RockStarlett :DD hihihi. thank you so much! :*

Sana may mga mag-add pa sa RL nila :))))

II - BAD PLAN TURNS OUT TO BE A GOOD ONE.

Hya's POV

www.satulipacademyforum.com

Isa iyang secret website na ginawa talaga para sa school namin. Dito nakapaloob ang mga kalokohang nagaganap sa school na hindi alam ng principal o director man, pati ng mga teachers, hindi nila alam ang tungkol dito. Isang araw, bigla na lang din ito kumalat sa mga estudyante hanggang sa magkaroon na kami ng mga sariling accounts dito. 

Sa naturang website, malaya kaming maglabas ng mga saloobin. Malaya ang lahat magsabi ng mga gusto nilang sabihin, malaya kaming nakakapagpost ng kung ano-ano. Madalas, may mga nagpopost tungkol sa mga kinaiinisan nilang classmates, schoolmates, ka-club pati mga kinaiinisang teachers at iba pa. Syempre, hindi namin ginagamit ang sarili naming mga pangalan.

Cool, right? :P

Pero ang totoo niyan, hindi talaga ako madalas sa website na ito, kapag wala lang ako'ng magawa tsaka ako bumibisita do'n. O kaya, kapag may gusto akong malaman pa tungkol sa victim ko, tinitignan ko ang perception ng iba tungkol sa taong iyon.

----

June 26, 20**

After class:

"Eunice, hindi muna ko makakasabay sa inyo pauwi ha?" sabi ko kay Eunice nang malapit na matapos ang last class namin which is English. Nasa likod ko lang din na upuan kasi siya, eh sina  Bru eh layo ng pwesto.

"Ha? Bakit naman?" tanong niya na nakakunot pa ang noo.

"Eh, basta. May gagawin lang na mahalaga."

After magpaalam ng teacher namin, kinuha ko na ang bag ko at kumaripas na ko ng takbo bago pa ko mapigilan ng Judges xD na umalis.

Papunta na ko sa gym. May practice kasi ang varsity ng basketball. Pupuntahan ko si Russel Reyes. 

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon