Kabanata 3

210 11 0
                                    

Eyes and Brain

Manghang mangha ako habang pinagmamasdan ang malaking basement. Hindi ko akalain na dito ako dadalhin ni Prince Derion. Ngayon pa lang ako nakarating sa ganitong lugar kaya naman hindi ko mapigilan ang mamangha.

"Madalas ka ba dito?" I asked while looking around. Nasulyapan ko ang isang leon na mukhang kinurba sa isang kahoy. Basement lang ba talaga ito? Magmumukha na itong bahay eh.

"Yes. Dito ako nagpipinta." He said. Napatingin ako sa kaniya. He's seriously looking at our way. Kitang kita ko sa pwesto ko ang perpekto niyang panga.

"You can paint?" I asked a bit shocked. He chuckled at my reaction.

"Of course." He said. Napatango ako. Madalas ko kasing maisip noon na ang mga prinsipeng katulad niya ay walang alam kundi ang mag ensayo ng espada, mag aral sa eskwelahan, at matuto kung paano mamuno sa kanilang nasasakupan.

And I couldn't believe that a Prince like him is an artist.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa pinaka dulo ng basement. Isang mahabang lamesa ang nabungadan namin. I saw a bookshelves. At ang mas nakakamangha ay ang iba't ibang painting na nakita ko. Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at napansin kong tungkol sa mga scenery ang mga painting doon.

Maberdeng gubat, nagyeyelong lugar, mga hayop sa isang madamong paligid, ang lagaslas ng ilog, at matataas na bundok ang nakalagay sa kaniyang mga pinta.

"Wow.." i muttered. Dahan dahan akong lumapit sa mga painting at marahan itong hinawakan. Napangiti ako ng mapagmasdan ang isang kabayo na umiinom sa ilog. Ang galing! Paanong siya ang gumawa nito?! Professional na Professional!

"It's my hobby to paint the place na napuntahan ko na." Prince Derion said on my back. Nagulat pa nga ako dahil hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

"You're always out of the Palace?" I asked. Ang aking mata ay nanatili sa kabayong kulay puti sa kaniyang ipininta.

"Yes..." he answered.

"It's beautiful.." i said while looking at the horse. I heard his chuckles kaya bumaling ako sa kaniya. Nakurap kurap ako habang nakatingin sa mapaglaro niyang ngiti.

"That's my horse, his name is Snow." He said. Napaawang ang labi ko. May kabayo siya! Sabagay hindi na dapat ako magtaka! He is the crown prince! The future king of the Freliord kingdom!

"Siya siguro ang dinadala mo kapag naglalakbay ka." I said. Tumingin siya sa akin kaya hindi ko namalayan ang paglunok ko ng marahan. His dark eyes is just too much.

"He's my buddy." He said with a small smile.

I have so many guy classmate in our school, and one of them is handsome too but this man in front of me is just too much. Para bang hindi nagkamali man lang ang nilalang na gumawa sa kaniya. Perpektong perpekto. Siguro dahil isa siyang prinsipe? I once saw his brother and they almost look a like but...why is this man looks different?

Tumingin ako sa mga pininta niya hindi ko talaga maiwasang humanga. I also didn't know kung bakit nakikita ko ito ngayon. What is the purpose? Why am I here anyway? Walang maniniwala kung sasabihin ko sa mga kapitbahay namin na nakausap ko ng ganito ang crown prince! A seventeen years old like me is so out of place!

"You know how to sculp?" I asked when I saw the lion sculpture.

"A bit, but I'm not really good." He said and then kinuha niya yung lion sculpture. Naningkit ang mata ko. Sure ba siyang hindi siya good?

"You're not really good? Are you kidding me?! It's pretty!" I said. Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako makipag usap sa kaniya. Baka masuntok ako ni ina kapag nalaman niya kung paano ako makipag usap sa prinsipe.

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon