Till we meet again
Para akong nawalan ng pandinig sa sinabi niya. Nanlamig ang aking mga kamay. Patuloy na kumirot ang aking puso. Napapikit ako at halos mapaupo na sa sahig sa sobrang sakit ng aking puso.
"Y-You're lying.." i whispered. No I won't believe him! Si ina lamang ang minahal ng aking ina at wala ng iba! It couldn't be! It means that I have a sister?! No...way!
"You need to accept the reality Rebecca. Take it or leave it, it will be the same. Ang kailangan mo na lang gawin ay ang tigil ang lahat ng ito since nasayo ang huling susi hindi ba?" He asked.
"P-Pero.." hindi na ako makahagilap ng sasabihin dahil sa mga impormasyong hindi ko maproseso.
"My only goal here is to find the Queen and her daughter. Ikaw ano bang gusto mo?" Napatingin ako sa kaniyang likod.
This man is dangerous. He is the leader of Evil Org. Isa siyang maharlika pero ipinatapon siya. Tama bang pagkatiwalaan ko siya?
"My only goal is to find my mother." Matapang kong sagot.
Humarap siya sa akin at nagtama na naman ang aming mga mata.
"Then let's have a give and take deal. You will help me to find Golden Moon Rock and the keys, and I'll help you to find your mother." He said that made me frown.
"I thought hindi nakakulong sa Golden Moon Rock ang reyna? Bakit...gusto mo pa rin dung pumunta?" I asked confused.
"Because her last prophecy might be there." He answered.
Tumango ako sa kaniya, siya naman ay tumalikod na para makaalis. Pero may isa pa akong tanong. Gusto kong malaman...bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?
"Why...did you want to do this so much?" I asked. Binuksan niya ang pinto at akma ng aalis pero tumigil dahil sa tanong ko.
"Let's just say that...there's someone I wanna get." He answered before he left.
Bumuntong hininga ako at napaupo sa upuan na nasa harapan ko. Everything is so messed up. Akala ko noon ang mundong ginagalawan ko ay napaka simple lang. Walang komplikasyon. Pero mali pala ako. Ang lahat ng nakita ko noon ay panlabas lamang dahil ang totoo napakadilim ng daang tinatahak nito.
Sinanay ko ang sarili ko sa pakikipaglaban. I trained myself dahil pakiramdam ko ay hindi sapat ang mga kaalaman ko. Naging kasapi ako ng Evil Org. Sumasama ako sa mga misyon nila sa tuwing magkakaroon kami ng hint kung nasaan ang Golden Moon Rock. At sa tuwing may misyon ay lagi naming nakakaengkwentro ang mga taga Montaire.
Lahat ng kaharian ay naghahanap sa bato at susi, ito ang tanging paraan para mahinto ang mga nakasulat sa propesiya. Pero dahil mukhang matalino ang reyna pakiramdam ko'y sinasadya ang lahat para maitago ang kaniyang anak. She wants to hide her daughter at para mangyari yun gumagawa siya ng paraan para maiwala ang mga isipan nila.
"Hiya!" Sigaw ko habang pinapatakbo ko ang aking kabayo. Nasa likod ko ang aking archer at arrow. Humigpit ang kapit ko ng makita ang mataas na tarangkahan sa gitna ng kagubatan.
"Palibutan niyo ang paligid!" Sigaw ko sa mga kasamahan ko. Commander Zacarius Bryant commanded us na pumunta sa kagubatan at tingnan ang tarangkahang ito. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga impormasyong ito pero mukhang masyado ng determinado ang commander.
Pinatakbo ko ang aking kabayo malapit sa tarangkahan at kumuha ng isang lubid. Inihagis ko iyon patungo sa itaas at chineck kong nakasabit na ba ito sa matigas na bagay when I think that it's fine ay agad akong nangakyat sa lubid para tingnan ang nasa loob ng mataas na pader.
BINABASA MO ANG
Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)
Romance"You are the only wonderful thing that happened to me. I will do everything just to touch and kiss you. I can step and kiss the dark for a one glimpse of you." -Prince Derion Zereb Monzilla "Welcome to the Luxuous De Royale...the world of Royalties."