Kabanata 8

159 10 0
                                    

Light

Halos isang linggo na rin simula noong itinigil ko ang pagsama kay ama patungo sa palasyo. My father asked about what happened at kung bakit ayaw ko ng pumunta doon, the only reason that I can tell is we're done with the deal but obviously father asked about the deal but I ignored to answer it.

"Sasama ka ba sa pamilihan Becca?" Tanong sa akin ni ina dahil mamimimili yata siya sa bayan.

"Dito na lang ako ina." I said. Tumango lamang siya at wala ng sinabi.

Nang makaalis na si ina ay mabilis akong pumunta sa puno na madalas kong tambayan at doon nangakyat patungo sa pinakamataas na sanga. Ito ang pinaka gusto kong pwesto dahil mula rito ay tanaw na tanaw ang malaking tore ng palasyo ng Freliord.

Nang makarating sa sanga ay mabilis akong naupo dito at sumandal sa matigas na puno habang pinagmamasdan ang malaking tore ng palasyo.

Parang isang panaginip lang ang pagpunta ko doon. Parang isang kisap mata lang ang lahat ng alaala kung saan nakausap ko ang Prinsipe na para bang magkapantay kami. I miss those times. Pero alam kong tama na rin ang ginawa ko. Hindi na kasi tama ang lahat. Siguro'y nalinawan na rin si Prince Derion na mali ang nararamdaman niya, dahil sino ba ako di ba? I am not a royalty. I'm just a commoner, the daughter of the palace general. I don't belong there.

At siguro biro lang ang lahat ng sinabi ni Prince Derion. Hindi totoo na gusto niya ako. I'm just seventeen girl at imposible talagang mahulog sa akin ang isang prinsipe. Napaka imposible.

Derion...

Wala sa sarili akong napangiti habang nakatitig sa maulap na langit. Napapikit ako dahil sa pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha. Isinayaw nito ang aking itim na buhok.

He once said to me that he wants me to call him by his name. No Prince and just Derion. How I wish...dahil napaka imposibleng mangyari ang lahat ng yun. Sa isip ko lang siya matatawag sa kaniyang pangalan pero sa katotohanan ay hindi.

Wala sa sariling napagawi ang tingin ko sa kagubatan sa likod ng bahay namin at napakunot ang noo ko ng may makita akong ilang kawal doon, naningkit ang mata ko dahil kakaiba ang kulay ng uniporme nila, hindi ito mga taga Freliord ah?

Pero ang mas nagpagimbal sa akin ay ang babaeng sugatan sa gitna nila! They are all pointing their sword at the wounded woman!

Who are they? Hindi na ako nagdalawang isip na bumaba sa puno at mabilis na kinuha ang arrow ko sa bahay. Wala akong sariling espada at tanging arrow lang ang ginawa sa akin ni ama dahil ang sabi niya ay magaling ako sa archery.

Hindi na ako nag abalang mag palit ng damit. Bahala na. I'm just wearing my white dress at hindi ito appropriate sa mga ganito. Kinakabahan ako, hindi kasi ako madalas makaharap ng ganitong krimen!

Mabilis akong pumasok sa kagubatan at nagtungo sa direksyon kung saan ko nakita ang pangyayari. I memorized this forest kaya madali lang para sa akin ang paghahanap sa kanila. Nang makalapit ay agad akong umakyat sa isang puno para maasintado sila. Pero ng makaakyat na ako sa puno ay natigilan ako dahil sa kanilang usapan.

"Mamamatay ka kung hindi mo sasabihin sa amin kung nasaan ang susi!" Mariing sinabi ng kawal.

Natigilan ako. Anong susi? Bakit naghahanap sila ng susi?

Napatingin ako sa babae na puro sugat sa katawan, mukhang kanina pa siya pinapahirapan ng mga ito. Taga saang kawal kaya ito? Nakita ko na ang kawal ng Costallion Kingdom at hindi ganito ang mga taga Ioniafrel naman ay kulay itim ang uniporme, pero bakit ang mga ito ay silver? Taga saang kaharian sila? I only know about the three kingdoms in Luxuous De Royale pero sa labas ng Luxuous ay hindi ko na alam.

"W-Wala akong..alam sa susi na sinasabi niyo!" Nanghihinang sinabi nung babae.

Lumapit ang lalaking kawal nasa palagay ko'y leader nila. Tumingin siya sa babae.

"Wag kang magsinungaling sa amin! Ibigay mo sa amin ang susi!" The man shouted. Hindi tama itong ginagawa nila. This is a crime! Alam na ba ito ng hari ng Freliord? He should know about this! May nakapasok na hindi naman taga dito!

Mabilis kong inilabas ang aking archer at kinuha ang aking arrow at itinapat ko ito sa paa ng lalaking malapit sa babae. Ipinikit ko ang aking isang mata na para hang umaasinta. Nang bitawan ko ang arrow ay mabilis itong tumusok sa paa nung lalaki. Bulls eye!

"Tangina! Ano yun?!" Sigaw nung lalaki na namimilipit na sa sakit dahil sa tumama sa kaniyang paa. Napangisi ako dahil nagkagulo na sila. Kahit ang mga kabayong dala nila ay medyo nagpanic dahil sa sigaw nung lalaki. Agad silang naging alerto.

"Wag kayong tumayo lang diyan! Hanapin niyo kung sino ang gumawa nito!" Sigaw nung lalaki na namimilipit na sa sakit. Kumuha pa ako ng isang arrow at inasinta ng mabilis ang iba pa niyang kasamahan. I only spot their arms or foot para hindi sila mamatay. I smirked when I saw them down.

Wash out.

Kinuha ko ang aking panyo at itinali ito sa aking pang ibabang mukha. Hindi dapat nila makita ang aking mukha. Kaya naman mata ko na lang ang nakikita dahil may suot akong mask. Tumalon ako pababa sa puno at naglakad patungo sa mga lalaking ngayon ay namimilipit sa sakit dahil sa mga tama nila sa paa.

"Sino ka?!" The leader asked. Tumaas ang kilay ko. Tanga ba siya? Syempre hindi ko sa kanila sasabihin!

"Do you want to die?" I asked in a very cold tone. My archer is on my hands and my arrows is on my back. Kitang kita ko ang paghanga sa kanila ng makita ang kabuuan ko. Perverts!

"Pagsisisihan mo ito!" Sigaw niyang muli. Seriously? Hindi ba siya napapagod sumigaw?

Lumapit ako sa kaniya at walang sabi sabing sinuntok ang kaniyang mukha at ayun nakatulog! Napailing na lang ako. Ang lakas ng loob kanina ngayon naman isang suntok lang tulog agad? Bumaling ako sa mga kasamahan niya at purong takot lang ang nakita ko kaya inignora ko na sila. Lumapit ako sa duguang babae at tinulungan ko siyang tumayo.

"S-Salamat..." she whispered. Tumango ako at dahan dahan siyang inalalayan. Nang medyo nakalayo na kami sa mga lalaki ay nabigla ako sa pagsuka niya ng dugo. Sa sobrang bigla ay napabitaw siya sa akin. Agad ko siyang dinaluhan dahil kitang kita ko ang paghihirap niya.

This is not normal. She's vomiting a lot of blood, it's not just because of her wounds! Is she poisoned?

"What happened to you?! Did someone poisoned you?!" Nag aalala kong tanong habang nagsusuka siya ng dugo. Sumandal siya sa isang puno at nanghihinang tumitig sa akin. Tinanggal ko ang taklob sa aking mukha at hindi nakaligtas sa akin ang pagkagulat sa kaniyang mata.

"Y-You're the...daughter of Ramon Laczamana?" She asked. Kumunot ang noo ko. What about my father?

"Yes...why?" I asked. She smiled weakly.

"It's not a doubt because you're so brave." Sinabi niya iyon habang umuubo na may kasamang dugo. Kailangan ko na siyang dalhin sa pagamutan!

"Come on! Dadalhin kita sa manggagamot!" I asked panicking. Aalalayan ko na sana siya sa pagtayo pero nabigla ako sa paghawak niya sa aking kamay. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Y-You are the key..." she whispered. My eyebrows furrowed. What is she talking about?! Key? Parang kanina lang ay pinag uusapan nila ang susi?

"What? Come on! Stop talking, dadalhin kita sa manggagamot-"

"No...you listen Rebecca..." nabigla ako sa paggamit niya sa pangalan ko. Paano niya nalaman? I never mentioned my name. Dahil ba kilala niya ang aking ama?

"Please...don't die...save the moon...bring back the moon in her throne...find her daughter and the boy in the prophecy....don't let...the three kingdoms down...help the lion, dragon and the eagle...save the lion's Crown Prince....please Rebecca...you are the last key."

Damn it! What is she talking about. Napailing ako sa mga sinabi niya. Unti unting sumibol ang aking kaba lalo na ng ipikit niya ang kaniyang mata. Pero bago siya nawalan ng hininga ay mya binulong siya sa akin.

"Find...the darkness....and turned it in a light."

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon