Kabanata 16

143 8 0
                                    

Lion

Hindi ako makatulog. Hindi ako matahimik. Simula ng marinig kong muli ang pamilyar niyang boses at ng makita ko ang kaniyang itim na mga mata.

Or I'm just imagining? Hindi kaya niloloko lang ako ng utak ko? Bakit naman pupunta dun ang isang prinsipe? If they want to find the Rock sigurado akong marami silang kawal para utusan.

Natigil lang ako sa aking pag iisip ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan ito at nakita ko ang kanang kamay ni Commander Zac na si Noel.

"What?" I asked.

"Pinapatawag ka ni Commander." He said. Tumango ako at sumunod sa kaniya. Siguro ay kakausapin niya ulit ako sa susunod kong misyon. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos. I just want my mother back.

Pumasok kami sa isang malaking pintuan. Ang hide out ng Evil Org ay isang malaking mansion. Hindi mo aakalaing dito naglalagi ang mga taong kalaban ng mga maharlika. Ang tingin ng karamihan sa grupong ito ay masama.

Pagkabukas ng pintuan ay nakita ko kaagad si Zac na prenteng nakaupo sa kaniyang upuan. At katulad sa aking nakasanayan nilalaro na naman ng kaniyang daliri ang isang katana. Kung titingnan mo siya ay mukha siyang may gagawing masama. He is a heartless and dangerous man pero kahit ganun ay mabuti siya sa akin. kabaligtaran sa pinapakita ng kaniyang mga mata ang kaniyang ugali.

"Sit Rebecca." He commanded. Umupo ako sa tapat niya at tumingin sa kaniya. Kumunot ang noo ko dahil mukhang may kakaiba sa kaniyang mukha. Ngumisi ako.

"What happened to you?" I asked amused. Tandang tanda ko pa ng itanong ko sa kaniya kung bakit ginagawa niya ang lahat para makita ang Queen at napag alaman kung may isang tao siyang dahilan kung bakit ginagawa niya ito. A very important person to him.

"Shut up Rebecca, just tell me everything kung anong nakuha mo doon." Mariin niyang sinabi.

Ano kayang nangyari dito? Mukhang napuno na ito sa prinsesa ng Costallion kingdom ah?

Huminga ako ng malalim ng maalala ko ang nangyari kanina. Those eyes..

"Wala akong nakitang ibang importanteng papel. Ang nakita ko lang ay ang plano nilang pumunta sa isang kagubatan. If I was right I think it's the Tierra forest." I said. Tumaas ang kilay niya. I admit it, Zacarius Bryant is a very handsome guy. Maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya. Kahit ang mga babaeng tauhan niya ay nagiging kasalo niya sa kama.

"Tierra forest? The third judge place?" He said like it's a big question kung bakit patungo doon ang mga Montaire. Kumunot ang noo ko. Bakit naman napasama ang pangatlong hukom dito?

"What's with the third judge?" I asked confused.

"Tierra forest is the third judge place. Sagrado ito para lamang sa ikatlong hukom. Actually ang apat na hukom ay may sari sariling gubat. The Fuego, Agua, Tierra and Aire."

Napatango ako. Bakit naman kaya pupunta doon ang Montaire? May hint kaya sila na nandun ang bato? Nabasa ko sa isang libro noon na ang reyna ng buwan ang nagtalaga sa apat na hukom na siyang mamagitan habang wala siya. Tss. Pinalabas lamang ng reyna na dinukot siya pero ang totoo ay nakaplano ang lahat. She even have the guts to have the four judge! Ang apat na hukom na ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang nangyayaring digmaan sa pagitan ng dalawang naglalakihang lupain, the Luxuous and Montaire.

But there's something different..

"Commander...I think there's something suspicious.." i said.

Naramdaman ko ang tingin niya sa akin. Sumandal ako sa aking upuan at tumingin sa aking mga kamay.

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon