Kabanata 2

238 12 0
                                    

Just follow me

Natulala ako sa sinabi ni ama. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin. I was lost of thoughts. I couldn't believe it. Hindi ko naman alam na siseryosohin yun ni Prince Derion! At kinausap niya pa si ama.

"Seryoso ka ba diyan ama?" I asked, shocked. Nagkibit balikat ang aking ama na para bang siya ay hindi maintindihan ang inasal ng Prinsipe. Kaya naman kinabahan na ako ng pumasok ang sinasakyan namin sa loob malaking front gate ng palasyo. Sa kabila ng kaba at hindi ko mapigilan ang mamangha.

Noong unang dating ko dito ay gabi kaya hindi ko gaanong nakita ng maliwanag pero ngayong sikat na sikat ang araw ay mas lalo pa akong namangha sa kagandahan ng buong palasyo.

Kitang kita ko ang malawak na bermuda sa grass sa malawak na hardin ng palasyo. May mga matataas na pine trees akong nakikita sa buong paligid at nakita ko rin ang simbolismo ng Freliord, ang leon. Nakatatak ito sa malaking double doors ng castle. Halos tingalain ko ang mataas na tower ng castillo. Sobrang nakakamangha.

"Becca, come here." Father said, nakita kong lalabas na kami sa kalesa. My heart started to beat faster. And I don't know the reason of it. Is it because the wonderful things around me or because of the things that my father told me about the crown prince.

Nang bumaba ako ay agad akong sumunod sa aking ama na matikas na naglalakad patungo sa double doors ng castillo. Marahan akong naglakad na para bang nabibilang ako sa mga babaeng mahihinhin.

"Ramon nandito ka na pala!" Lumapit ang isang matanda sa akin ama. Pinagkatitigan ko ito nakita ko ang mataas na ranggo sa kaniyang uniporme, mukhang isa rin siya sa mga general dito sa palasyo. Nag usap sila ni ama kaya tinuon ko na lang ang mata sa paligid. Napapansin ko na ang mga sulyap sa akin ng mga tao dito sa loob ng palasyo. Hindi naman masyadong marami ang tao dahil karamihan sa kanila ay mga tagasilbi lang o mga gwardiya. O kaya isa sa mga militar ng palasyo.

Nahagip ng tingin ko ang fountain na unang nagpamangha sa aking mga mata. Naalala ko ang Prinsipe Derion.

"Aba! Kasama mo pala ang unica hija mo!" Narinig kong sambit nung matanda. Napansin niya na pala ako. Humalakhak si ama at hinila na ako para ipakilala sa matanda.

"Magandang umaga po." I smiled. The old man just laughed and handed his hand for me I accepted it and smiled once again.

"Sobrang ganda naman pala ng anak mo Ramon!" Nasisiyang sinabi ng matanda at binitawan na ang kamay ko.

"Anong pangalan mo hija?" He asked.

"Rebecca." Sagot ko.

Nakipag usap pa siya sa ama ko bago siya umalis. Kaya ngayon naman ay nakaharap kami sa malawak na grand hall ng castillo. I even saw the throne of the king and queen sa likod ng kanilang trono ay nandoon ang malaking imahe ng leon.

"Pupunta tayo sa base namin." Sambit ni ama habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng palasyo.

"Pero ama baka nakakaabala ako?" I hesitated. Saan naman kaya ako pwedeng mag uli? Nakakatakot naman kasing maglakad lakad dahil baka maligaw ako. Sa lawak ba naman ng buong lugar eh baka hindi na ako makabalik.

"No Becca, you'll stay with me. Wala pa ang Unang Prinsipe kaya dito ka muna." May pagkakatuwa sa kaniyang tono. Nagulantang naman ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam na seseryosohin yun ng Prinsipe! My goodness! Hindi ko akalain na ipapatawag niya talaga ako?

Nakarating kami sa base nila at mga kalalakihan ang nakita ko doon. Nang makita nila ako ay sa akin agad ang dikit ng kanilang mga mata.

"Boys, this is my daughter, and for all your information she's off limits." Banta ng ama ko sa kanila na agad nilang pinasimangutan. Natawa ako doon. Wala lang naman sa akin kung titigan nila ako dahil hindi naman ako katulad ng ibang babae na sobrang konserbatibo.

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon