PROLOGUE

648 42 31
                                    

Warning: This story contains adult language and situation intended for mature readers only. The content could be shocking for young readers and sensitive minds so read at your own risk. It is not suitable for children below 18 years old.

You've been warned.

"Put me down, baby," malambing kong sabi.

Hilong-hilo pa rin ako at ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan niya akong binaba pero hindi siya nagsalita, papikit-pikit akong tumingin sa sahig at pinakiramdaman ang sarili bago nagpaunang maglakad.

Umiling ako dahil nagiging dalawa na ang daan sa paningin ko at pasuray-suray na naglakad. Hindi ko maiwasang humawak sa pader at tinahak ang daan papunta sa kwarto ko.

Nahinto ako sa paglalakad dahil hinawakan niya ang braso ko at hinila palapit sa kaniya.

Napangisi ako nang sunggaban niya ako ng halik sa labi, hindi ko mapigilang tumugon at magpatianod sa mga halik niya. Masyadong banayad at nakakawala ng katinuan. Kinilabutan pa ako nang maramdaman ko ang init ng palad niya sa likod ko.

Palagi naman kaming naghahalikan pero pakiramdam ko ay parang ito ang unang beses na nahalikan ko siya at kakaiba pa siyang humalik ngayon. Lalong pinanghihina ng labi niya ang mga tuhod ko dahil sa paraan niya ng paghalik.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko ng marinig ang ungol niya nang makagat ko ang pang-ibabang labi niya dahil sa gigil. Naramdaman ko pang dumiin ang pagkakahawak niya sa baywang ko.

Hinapit ko siya palapit sa 'kin at nilakbay ang kanang kamay ko sa dibdib niya hanggang makarating sa batok.

Kumunot ang noo ko nang mahawakan ko ang buhok niya. Agad akong napadilat at natigil sa paghalik ng mapagtantong hindi si Ace ang kahalikan ko.

Agad akong umatras at natutop ang bibig. Bigla akong natauhan at nawala ang espiritu ng alak sa katawan ko. Mapungay ang mga mata niya at sa labi ko pa rin nakatingin na para bang nabitin sa pagkakahalik sa 'kin.

"B-Boyfie?" Mahina kong sabi.

Nasapo ko ang noo dahil sa nangyari.

What the hell! Bakit hindi ko napansing siya ang kasama ko?

"S-Sorry, akala ko ay ikaw si Ace," nauutal kong sabi.

Lumakas ang kabog ng puso ko at lalong sumakit ang ulo ko. Hawak ko pa rin ang labi ko at napapailing.

"Tyra," malambing niyang sabi at lumapit sa 'kin.

"Barney."

Lalo akong kinabahan ng marinig ang boses ni Barney. Sabay pa kaming napatingin sa kaniya.

Namutla ako at para akong pinagkaitan ng hangin. Tiim bagang siyang tumingin kay Aevan bago ibaling ang paningin sa 'kin. Lumapit siya sa 'kin at inilagay ang tuwalya sa likod ko. Nagkatinginan pa kami ni Aevan at blangko na naman ang ekspresyon niya.

Binuhat ako ni Barney at naglakad papunta sa k'warto ko.

Halos mabingi ako sa katahimikan, hindi niya ako kinausap at basta na lang akong iniwan pagkababa niya sa 'kin sa kama.

Nakita ba niya kami ni Aevan?

Please Read
Chasing Trilogy II: Chasing Her
Before reading Chasing Trilogy III: The Chase Is Over

Chase Is Over is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author, RinnJalalon.

Cover Design by RinnJalalon

Cover image © Photo By Unsplash.com

Chasing Trilogy III: The Chase Is Over

May 23, 2020

Written by: Rinn Jalalon

All Rights Reserved. Copyright © 2020

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon