TYRONIA'S POV
Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan silang mag-inuman dahil last day na nila ngayon dito sa hotel at balik trabaho na sila bukas. Doon namin napiling mag-inuman sa may dalampasigan at nag-bonfire na rin. Jack Daniel at Red Label ang iniinom namin, nakakarami na rin kami ng iniinom dahil ang bilis magtagay ni Naomi.
Tulala lang ako habang nag-iinom dahil iniisip ko pa rin ang sinabi ni Aevan.
Hanggang kailan ko ba pag-iisipan?
Gusto kong sabihin sa kaniya na si Barney ang mahal ko pero alam ko ang isasagot niya sa 'kin. Malakas ang epekto niya sa 'kin pero mas matimbang ang pagmamahal ko kay Barney. Ramdam ko na mahal na mahal niya ako kaya ayaw ko siyang saktan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya nang hindi ko siya nasasaktan. Pero kahit anong isipin kong isasagot sa kaniya ay sigurado akong masasaktan siya.
Inubos ko ang laman ng baso ko, may kumuha naman no'n sa kamay ko. Mayamaya ay may naglagay ulit ng baso sa kamay ko na parang walang nangyari. Inis kong tiningnan si Naomi at hinampas siya.
"Aray naman best friend!" Reklamo niya at hinawakan ang braso na hinampas ko.
"Taeng-tae ka ba? Nilalasing mo yata kami eh!" Singhal ko.
Natawa sila sa sinabi ko.
"Hindi ko nga siya nakikitang umiinom eh," nakangiwing sabi ni Mio at tinuro pa si Naomi.
"Napakadaya mo talaga!" Baling ni Jazz kay Naomi.
Kumunot pa ang noo ni Naomi dahil sa sinabi nila.
"Ep ep ep! Nasaan ang pruweba na hindi ako uminom? Pakilabas!" Depensa niya at inilahad pa ang kamay na para bang hinihintay na ibigay nila ang ebidensiya na hindi siya umiinom.
"Ang bagaaal!" Dagdag niya pa.
Bumungisngis ako dahil na-miss ko ang litanya niyang iyan.
"Bakit kasi ang bilis mong magtagay!" Reklamo ni Bobbie.
"Tinitingnan ko kung sino ang unang malalasing sa inyo." Agad na tugon ni Naomi.
"Strong kami kaya walang malalasing sa 'min!" Sabi ni Blaze.
"Ah ganoon? One plus one?" Nakapamaywang na tanong ni Naomi kay Blaze.
Kumunot naman ang noo ni Blaze sa tanong niya.
"Magellan!" Tugon ni Blaze kaya natawa kami.
"See? May nalasing na... bumalik ka ng grade one! Two ang sagot, tuleg! Oh inumin mo 'to para mahanap mo ang two na sinasabi ko!" Singhal ni Naomi at inabot ang baso kay Blaze.
Halos sumakit ang tiyan namin sa kakatawa. Hindi pa rin siya nagbabago dahil ganoon pa rin ang ugali niya. Ang tanging nagbago lang sa kaniya ay ang pakikitungo niya kay Tyson.
"Ako my loves... kahit malasing ako ay ikaw pa rin ang maganda sa paningin ko," nakangiting sabi ni Bolt at aakbayan dapat si Naomi.
Natawa kami ng kuhanin ni Naomi ang tsinelas niya at paluin ang kamay ni Bolt kaya hindi na natuloy ni Bolt ang pag-akbay sa kaniya.
"Talaga? Sige nga, tingnan natin... oh inumin mo 'to," nakangiting sabi ni Naomi at binigay kay Bolt ang bote ng alak. Kalahati pa ang laman no'n at mukhang gusto niyang ipaubos kay Bolt.
Ngingisi-ngisi naman si Bolt, kinuha niya ang bote at ininom ng diretso.
Pinanuod lang namin siyang ubusin ang alak. Natawa kami pagkatapos dahil biglang natulala si Bolt at mukhang lasing na. Napapailing pa siya at gumegewang na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/228207110-288-k188952.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
RomanceYou will never chase what wants to stay with you.