TYRONIA'S POV
Hindi ako makapag-isip ng tama, alam kong mali pero hinayaan ko siyang halikan ako. Parang sinasabi ng puso ko na hayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Nanatili lang akong nakapikit habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
Pagkatapos niya akong halikan ay idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Ramdam ko rin ang haplos ng hinlalaki niyang daliri sa pisngi ko. Saka lang ako nagmulat ng mga mata nang punasan niya ang luha sa pisngi ko.
Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan niya iyon.
"P-Please... choose me," nakikiusap niyang sabi. Hinalikan niya iyon bago ilagay sa pisngi niya.
"A-Ae—"
"Pag-isipan mo muna, p-please?" Lumuluha niyang sabi bago hawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip ako ngayon.
"Ihahatid na kita, kailangan mo nang magpahinga," malambing niyang sabi.
Nanatili akong tahimik, hawak-hawak niya ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa kwarto ko.
Nang makarating kami sa kwarto ko ay hinarap niya ako sa kaniya at niyakap ng mahigpit.
"Goodnight, love."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng ibulong niya iyon sa tainga ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Napahawak ako sa laylayan ng damit niya ng marahan niyang kagatin ang leeg ko. Nahugot ko ang hininga dahil dinilaan niya pa iyon, biglang nag-init ang katawan ko at para akong lalagnatin.
Nagpakawala ako ng mumunting ungol nang maramdaman kong sipsipin niya ang parteng kinagatan niya at nalukot ko na ang damit niya. Nanghina rin ang tuhod ko dahil doon kaya hinawakan niya ang baywang ko para alalayan ako.
"I love the sound of your moan, love," bulong niya sa 'kin. Agad akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya.
Fuck!
"I'll mark you as mine."
Muli niyang dinampian ng halik ang leeg ko bago niya ako tingnan sa mata. Nabitawan ko na ang laylayan ng damit niya at napalunok sa sinabi niya.
"That mark will prove that you're mine, love," seryoso niyang sabi bago niya ako iwan.
Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib dahil sobrang bilis ng tibok no'n. Nasapo ko rin ang noo dahil para akong kokombulsyunin. Hindi ko akalaing gagawin iyon ni Aevan.
Nang makalma ako ay tumingin ako sa dinaanan ni Aevan bago pumasok sa kwarto ko. Napasandal pa ako sa pinto ng maisara ko. Napapikit ako sa inis dahil naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
Napatingin ako sa balikat ko dahil suot ko pa pala ang jacket ni Aevan. Kinuha ko iyon at nilagay sa higaan. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos dahil ramdam ko pa rin ang init sa katawan ko. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at inalala ang mga sinabi ni Aevan kanina.
"That mark will prove that you're mine, love."
Kumunot ang noo ko nang maalala iyon. Inayos ko ang buhok ko at tiningnan ang leeg ko.
"Oh Shit!"
Taranta kong sabi nang makita ang marka na nilagay ni Aevan sa leeg ko. Kahit ang bakas ng kagat niya ay kita ko rin at nasa gitna ng bite mark na iyon ang isa pang marka na nilagay niya.
"I love the sound of your moan, love."
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at tinakpan ang tainga ko ng maalala ang mumunting ungol na nagawa ko kanina at ang sinabi ni Aevan.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
DragosteYou will never chase what wants to stay with you.