TYRONIA'S POVAnim na araw na ang nagdaan simula ng makita ko si aevan, gabi-gabi na rin kaming nasa bar nina Jasper. Sinusulit namin ang special off ko at tinutulungan ko naman siya sa umaga kaya madaling natatapos ang trabaho niya.
Si Aubrey naman ay bumisita sa magulang niya kaya kami lang ni Jasper ang magkasama parati, nakikipag-video call pa kami kay Nessie habang nagtatrabaho kami ni Jasper sa opisina niya.
Itinakip ko ang palad sa mata ko dahil kinukuhanan na naman ako ni Jasper, gawain niya talaga iyan kapag dito siya natutulog sa unit ko.
"Good morning," bati ko. Papikit-pikit pa ako ng tingnan ko siya.
"Ang tagal na rin simula ng huli kitang kuhanan, Girl... na-tengga na ang IG ko dahil wala akong naa-upload."
Bumangon ako nang tumahol si Hunter, tumakbo pa siya papunta sa 'min at tumalon sa kama.
"Waaa! Nakakaloka ka, Hunter! Hindi tayo talo waaahh!" Humalaklak ako sa tili ni Jasper, napahiga na siya ng dilaan siya ni Hunter. Akala tuloy ni Hunter ay nakikipaglaro sa kaniya si Jasper.
"Nasaan si Shadow, Baby?" Tanong ko.
Dinala namin si Shadow sa vet kahapon dahil naging matamlay siya nitong nakaraan. Kaya pala matamlay kasi tatlong buwan na siyang buntis.
"Nawindang ang beauty ko sa 'yo, Hunter! Hala... may dugo ang tainga niya oh!" Tiningnan ko naman iyon at may natuyong dugo nga.
"Inaway ka ba ni Shadow ha? Huwag mo munang lapitan dahil moody siya ha? Ha, Baby?" sabi ko pero dinilaan lang niya ang ilong ko.
"Isa ka ng mommy ngayon, Girl! Kapag nanganak na si Shadow ay bigyan mo 'ko ha!"
"Sige, mabuti nga at hindi nagsusungit si Shadow kay Aubrey."
Si Aubrey kasi ang nagpapakain sa kanila, natakot pa siya noong una dahil tinatahulan siya nina Hunter.
"Maselan pala siya magbuntis ano? Kawawa lagi si Hunter sa kaniya kasi laging kinakagat... napaka-territorial niya pa, sumobra pa sa takaw. Hindi ko pa pala nasasabi kay Aubrey na painumin siya ng vitamins sa umaga para maging malusog ang mga Baby,"
seryosong sabi ni Jasper.Hindi ko na nga sila naaalagaan masyado dahil sa trabaho ko, kapag dirediretso ang trabaho ko ay pumupunta si Aubrey dito para lang pakainin at binabalikan ako sa trabaho.
"Aba... maalaga ka na sa kanila ngayon ah," natatawa kong sabi.
"Syempre magiging anak ko na rin ang anak niya kaya umayos ka, Girl... huwag mo rin pababayaan ang anak natin!" Natatawa niyang sabi.
"Kaya naman nila ang sarili nila habang nagtatrabaho ako, malakas iyan si Shadow... manang-mana sa 'kin. Magtitimpla lang ako ng kape."
Dinampot ko ang long sleeve niyang damit at sinuot, inamoy ko pa iyon at tatango-tango. Paiba-iba talaga siya ng pabango.
Ala-una pa ang schedule ko sa trabaho kaya dito na kami kakain ng lunch, kumuha ako ng buto sa ref para ibigay kay Hunter. Kinuha naman niya iyon at dinala sa kwarto nila, narinig ko pa ang growl ni Shadow.
Habang nagtitimpla ako ng kape ay hindi matigil sa pagkuha ng litrato si Jasper, kung saan ako pumunta ay sinusundan niya ako.
Nagkatinginan pa kami ng tumunog ang doorbell.
"Sino naman iyon?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya.
"Hindi naman si Aubrey iyon kasi alam naman niya ang code ng unit mo."
Pinaglaruan ko ang hikaw sa dila bago pumunta sa pinto, tumingin pa ako kay Jasper bago ko buksan ang pinto.
"A-Aevan?"
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
RomanceYou will never chase what wants to stay with you.