ACE POV
Naglakad na ako palabas pagkatapos kong makipag-meeting, nakaramdam ako ng matinding pagod at gusto ko ng magpahinga. Palagi akong wala sa opisina dahil sunod-sunod ang nagpapa-meeting sa 'kin. May mga bago kaming client at gusto nilang kuhanin si Barney para mag-model ng produkto nila.
Patakbo pa akong naglakad papunta sa parking dahil gusto ko ng makita si Barney. Hindi ko na siya nakakasabay kumain at sa pag-uwi dahil anong oras na ako natatapos.
Inikot-ikot ko pa ang susi ng kotse sa hintuturo ko habang nakangiting naglalakad papunta sa unit ni Barney. Pinindot ko pa ang code ng unit niya para makapasok ako. Naabutan ko siyang tulog na tulog sa sofa at hawak ang cellphone.
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Mukhang napagod din siya kaya nakatulog na sa sofa. Napatingin ako sa cellphone niya dahil umilaw iyon, kinuha ko pa ang cellphone at tiningnan. Kumunot ang noo ko dahil maraming missed calls. Bumuntonghininga ako at tiningnan kung sino iyon.
Humigpit ang paghawak ko sa cellphone niya ng makitang si Aevan iyon. Napalunok pa ako at tiningnan ang messenger niya. Hindi ako basta-basta nakikialam ng cellphone pero may nagsasabi sa 'kin na dapat kong buksan iyon.
Nagpakawala ako ng mabigat na hangin ng makita ko ang pangalan ni Aevan sa messenger. Binuksan ko iyon at binasa ang mga mensahe niya.
Gusto kong ibato ang cellphone dahil sa galit. Hindi pa rin sila tumitigil hanggang ngayon. Akala ko ay hindi na ako makakaramdam ng selos dahil naangkin ko na siya pero hindi pa rin pala talaga dapat ako mapanatag.
Nang makalma ko ang sarili ay binalik ko sa kamay niya ang cellphone at dahan-dahan siyang binuhat para dalhin sa kama.
Pinipilit na lang ba niya ang sarili sa 'kin?
Pagkatapos ng gabing iyon ay ginawa kong abala ang sarili ko. Sinadya kong hindi magpakita kay Barney dahil maaga akong umaalis at gabing-gabi kung umuwi. Kahit na ganoon ay nilulutuan ko pa rin siya dahil ayaw kong nagugutom siya.
Lumipas ang tatlong buwan na puro ganoon lang ang ginagawa ko. Nilunod ko ang sarili sa pagtatrabaho pero kahit na anong gawin ko ay hindi mawala ang sakit sa puso ko. Nagpatuloy pa sila sa ganoong gawain kaya hindi ko na kinaya. Sinabi ko pa sa kaniya na uuwi ako sa Laguna para asikasuhin ang pinapatayo naming company ni Dave pero naglasing lang ako nang naglasing.
Napatingin ako sa pinto at iniluwa no'n si Dave.
"Tol, ano bang nangyayari? Ilang linggo ka ng nandito at umiinom lang," tanong niya at umupo sa harap ko.
Nasabunutan ko ang buhok at patuloy sa pag-iyak.
"Paano kita matutulungan kung ayaw mong sabihin sa 'kin? May problema ba kayo ni Tyra?"
"H-Hindi ko na kaya ang sakit."
Nagsalin ako ng alak sa baso at agad na ininom iyon.
"Makikinig ako," tugon niya.
"H-Hindi pa rin siya tinitigilan ni Aevan."
Naging matunog ang buntonghininga niya at nagsalin din ng alak sa isang baso.
"Paanong hindi tinitigilan?" Tanong niya.
"G-Ganito pala ang naramdaman niya ng makita kami ni Zia na naghalikan noon."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ibig sabihin... si Aevan saka si Tyra."
Nahilamos niya ang palad sa mukha ng tumango ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
RomansaYou will never chase what wants to stay with you.