CHAPTER FOUR

271 25 8
                                    


TYRONIA'S POV

"Ano na, Girl! Let's do this! Excited na akong makita siya!" Kinikilig na sabi ni Jasper. 

Nagpabango na muna ako bago tingnan ang sarili sa salamin. I'm wearing white long sleeve dress. Kitang-kita rin ang hubog ng katawan ko. 

Sinuklay ko lang ang buhok ko at kinuha ang designer purse bago lumapit kay Jasper.

"How do I look?" Nakangiti kong tanong. Sumenyas pa siya na umikot ako habang hinihimas ang baba niya.

"You look gorgeous, Girl! Lahat ng suotin mo ay bumabagay sa 'yo," puri niya at maarteng pumalakpak.

Nasa amin ang paningin ng mga tao nang makalabas kami sa condo. Bahagya akong natawa dahil driver ko ang presidente ng isang sikat na kompanya. Manager ko naman daw siya at siya ang maghahatid sundo sa 'kin habang naghahanap siya ng PA ko. Sa isang kilalang restaurant ang meeting namin ngayon at doon na rin daw kami kakain. Hindi namin kasama si Nessie dahil abala siya sa event at sinabing babawi na lang daw siya sa 'min.

"Ang g'wapo mo, Tol! Mababali na ang leeg nila kalilingon sa 'yo," natatawa kong sabi.

Kinuha niya ang kamay ko at kinawit sa braso niya.

"Kaloka, mas maganda pa nga ako sa kanila," mahina niyang sabi. 

Kumunot ang noo ko dahil bigla siyang huminto sa paglalakad. Umawang pa ang labi niya nang mapatingin sa loob ng restaurant. 

"Oh my gosh! Girl... check mo nga ang panty ko, nahulog na yata!" Hinampas niya pa ang kamay ko.

Bumungisngis ako dahil sa inasta niya.

Kahit kailan ang landi nito.

"Sino na namang pogi ang nakita mo, ha?" Tanong ko bago tumingin sa loob.

"Ayon oh! Siya iyon, ang g'wapo niya sa personal! Oh my gosh! Nanginginig ang matres ko, Girl!" Turo niya sa lalaki.

Namilog ang bibig ko at tatango-tango. "A-Aray naman, Tol! Kumalma ka nga! Jasper ka ngayon, okay! Hindi ka si Jasmin," singhal ko nang kurutin niya ang kamay ko.

Nagpipigil pa siya ng kilig at napapapadyak pa.

"Tara na nga, naloka ang beauty ko sa kagwapuhan niya," huminga pa siya ng malalim bago kami pumasok sa loob.

Pagkapasok pa lang ay nakita na niya kami at namilog pa ang bibig. Napakurap ako dahil napako na sa 'kin ang paningin niya. Para siyang nakakita ng isang kakilala pero hindi niya matandaan kung sino. Kumunot ang noo ko dahil naiilang na ko.

Bumalik sa reyalidad ang lalaki ng tumikhim si Jasper kaya nataranta siyang tumayo.

"O-Oh! Nice to meet you! You must be Jasper!" Nakangiti niyang sabi at nakipagkamay.

Pinigilan kong matawa dahil alam kong kinikilig na ngayon si Jasper.

"Nice to meet you, Paul!" Nakangiting sabi ni Jasper. "Siya si Tania," pagpapakilala niya sa 'kin. Ngumiti rin ako sa kaharap ko.

"I didn't know you'll be this gorgeous up close!" Namamangha niyang sabi at nakipagkamay sa 'kin. "Have we met before? You look familiar." Kunot-noo niyang tanong. Ngumiwi ako at tinitigan ang mukha niya.

"Nice to meet you, Paul," ginawaran ko siya ng matamis na ngiti. "No, ngayon lang tayo nagkita," dagdag ko.

Napatingin pa ako sa kamay niya dahil hindi niya pa ako binibitawan.

"Ganoon ba? Pero sa tingin ko ay nakita na kita," seryoso niyang sabi at pinakatitigan ang mukha ko. 

Muling tumikhim si Jasper. "Let's sit," sabi niya.

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon