TYRONIA'S POV"Baby."
Kumunot ang noo ko at umusod papunta sa kaniya, para akong isang sisiw na sinisiksik ang sarili sa kaniya.
"Baby... wake up."
Humikab ako at nag-unat. Inayos niya pa ang pagkakakumot sa 'kin. "Inaantok pa ako... I want to sleep all day," nakapikit kong sabi.
Hinalikan niya ang sentido ko at sinuklayan ang buhok ko. "Kailangan na nating mag-agahan, ngayon ang kasal nina Dave... we need to be there."
Napangiwi ako sa narinig. Bumuntonghininga ako at sapilitang bumangon, napatingin pa ako sa dibdib ko dahil wala pala akong saplot. Napatingin ako kay Barney dahil binalot niya sa 'kin ang kumot at dinampian ako ng halik sa labi.
"Hindi ka ba napagod kagabi?" Tanong ko pero umiling siya.
"Hindi, Barney... nabaliw lang ako kagabi," tugon niya at sabay pa kaming natawa.
Hindi ko na alam kung anong oras kami nakatulog dahil dalawang beses namin iyong inulit. Ramdam ko pa rin ang pangangalay ng panga ko ngayon. Para na rin kaming nag-ehersisyo kanina.
Nagulat ako ng tanggalin ni Barney ang kumot at buhatin ako. Dumiretso siya sa banyo at dahan-dahan akong binaba.
"Sabay tayong maliligo?" Tanong ko.
"First time," nakangiti niyang tugon. Ngingiti-ngiti ako dahil gusto ko 'to.
Binuksan niya ang shower kaya ramdam ko kaagad ang tubig na tumatama sa ulo ko at katamtaman lang ang init no'n. Siya ang nag-shampoo sa 'kin habang ako ang nagsasabon sa kaniya. Nang matapos niya akong shampoo-han ay ako naman ang nag-shampoo sa kaniya at siya ang nagsabon sa katawan ko. Kung anu-ano rin ang napag-usapan namin, tawa rin ako nang tawa dahil nilagyan ko siya ng joga gamit ang mga bulang ginawa ko.
Halos mamula ang mukha niya dahil sa mga pinaggagawa ko sa kaniya. Sa huli ay hindi ko na siya inasar at baka ayaw na niya akong makasabay sa pagligo.
Pagkatapos naming maligo ay naglagay ako ng toothpaste sa toothbrush at binigay sa kaniya. Puro tawanan pa kami nang ikwento ko sa kaniya kung paano ang naging ekspresyon niya kanina habang pinagsisilbihan ko siya sa kama.
Siya na rin ang namili ng susuotin ko habang pinapatuyo ko ang buhok. Pagkatapos ay dinampot ko ang mga damit namin na nagkalat sa carpet dahil basta na lang namin iyon tinapon kanina. Tinupi ko iyon at inilagay sa upuan.
"Na-miss kong magsuot ng ganitong damit, Barney," sabi ko nang maisuot ko ang muscle tees.
Napangiwi ako nang makita siyang tinupi ulit ang tinupi ko kanina na para bang hindi maayos ang pagkakatupi ko at inilagay niya iyon sa bag.
"Ayan ang dinala kong damit para presko... come here." Utos niya at sinenyasan akong umupo sa kama.
Sinunod ko siya at tiningnan siyang suotan ako ng medyas at rubber shoes. Sinusuklay ko naman ang buhok niya gamit ang daliri ko.
"Para tayong mag-asawa, Barney," natatawa kong sabi.
"Napakaganda naman ng mapapang-asawa ko kung ganoon." Hinalikan niya ako sa labi pagkatapos niyang mag-sintas. "Let's go?"
Kinuha ko pa ang pendant ko at sinuot, itinago ko iyon sa loob ng damit bago kami sabay na bumaba. Dala-dala na rin niya ang gamit namin.
Dumiretso kami sa komedor at nakita namin sila roon, ngumiti ako nang makita ko si Aevan. Abala siya sa cellphone niya at nakabusangot ang mukha. Ginawaran din ako ng matamis na ngiti ni Tracy nang makita kami.

BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
RomanceYou will never chase what wants to stay with you.