CHAPTER FIVE

294 31 38
                                    


ACE POV

"Boss... wake up," nagising ako sa tapik ni Eunice sa pisngi ko. 

Pagod na pagod pa rin ako.

Kababalik ko lang kagabi dahil isang linggo akong nasa Laguna. Kaarawan kasi ni Mom at nakipag-inuman pa sina Bolt. Nagbabalak pa kaming magtayo ng isang game company. Nakakatuwa lang dahil puro business na ang laman ng utak namin nina Blaze. 

Si Dave at Mio naman ay engage na, si Blaze naman ay natotorpe pa rin kay Sadie. Mas nag-improve na sila ngayon dahil nakakapag-usap na sila, hindi tulad dati na puro batian lang. Si Naomi naman ay isa ng designer. Hindi tuloy matuloy ni Bolt ang panliligaw sa kaniya dahil parati siyang wala.

Galit pa rin si Naomi sa 'kin pati sina Jazz at Bobbie.

Dinadalaw ko pa rin sina Tita Helen kapag nasa Laguna ako. Palagi rin akong dumadaan sa cliff at nagbabakasakaling nandoon siya. Kahit ang birthday ni Tita ay hindi ko kinalimutan. Nagpapadala rin ako ng bulaklak sa kaniya kapag hindi ako nakakapunta. 

Proud na proud sila nang makatapos ako at makapagpatayo ng sarili kong kompanya. Kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata nila dahil hindi pa rin umuuwi si Tyra.

"Mm... I want black coffee," tugon ko. Kinuha ko si Pikachu at niyakap ng mahigpit. "Good morning, Barney," hinalikan ko pa siya sa ilong bago ako bumangon. 

Dahan-dahan akong nagpakawala ng hangin at tumunghay sa kaulapan. Panibagong araw na naman ang kahaharapin ko na hindi siya nakikita. 

I miss you, Barney.

Nag-ehersisyo na muna ako bago naligo. Kahit sa pagligo ay laman siya ng isip ko. Hindi ko na nga alam kung saan pa siya hahanapin. Kahit sina Tyler ay nahirapan din sa paghahanap.

"Dumating na ang mga magazines, Boss. We will be having a welcome party for our new model at 2pm," sabi niya pagkalabas ko.

Sinulyapan ko lang ang mga magazines na nilagay niya sa gilid. 

Humigop muna ako ng kape bago ko tingnan ang report na inabot niya sa 'kin.

Ginagamit namin ang magazine para lalong makilala ng mga tao ang mga modelo namin. Lalong dadami ang gustong magpa-endorse ng produkto nila dahil doon. Makikita rin sa magazine kung sino ang top model para sa buwan na iyon. May fashion show pa kaming sinasagawa kapag matatapos na ang taon at imbitado ang mga sikat na kompanya, kahit ang mga artista ay kasama rin.

"I have to finish this first," sabi ko.

Tumango muna siya bago umalis. Muli akong napasulyap sa magazine pero hindi ko binalak na tingnan ang nilalaman. 

Napaka-daring kasi ng mga sinusuot ng mga babaeng model at ayaw kong makita iyon. Si Barney lang ang gusto kong makita.

Ang pinaka-cover lang ng magazine ang nakikita ko, tatango-tango ako dahil lalaki ang top model namin ngayon.

Tiningnan ko rin ang chart kung saan makikita ang progress ng kompanya for the past two years. Napapatango ako dahil tumaas ang sales ngayong buwan ng 40%, not bad for starter company.

Mayamaya ay iniluwa na ng pinto si Eunice na may dala-dalang navy blue na suit. Nakabihis na rin siya at bagay na bagay sa kaniya iyon. Nakamot ko ang batok ko ng mapagtantong late na ako ng isang oras sa welcome party. Napapatingin pa ako sa pinto.

"May bisita ka bang darating boss?" Tanong niya habang tinatali ang neck tie ko. Umiling ako at nakangiting tumingin sa kaniya.

"Just checking, baka pumunta ulit sina Mrs. Vermez at baka masakal mo ako ulit."

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon