TYRONIA'S POV
Nanigas ang katawan ko ng yakapin ako ni Ace sa likod at halikan ako sa pisngi. Hinampas ko naman agad ang kamay niyang nasa tiyan ko.
"Ano ba! Kumakain ako!"
Natawa siya sa sinabi ko, "Hmm... edi pagkatapos mo na lang kumain."
Tumabi siya sa 'kin at nilagyan ako ng Chicken, hindi ko rin maiwasang mapangiti.
"Teka nga! Paano ka nga pala nakapasok dito kanina? Magnanakaw ka dati no!"
Sinimangutan niya 'ko. "Nakita ko ang code ng unit mo kagabi kaya nakapasok ako... oo, magnanakaw ako at nanakawin kita!"
Bumungisngis ako dahil kiniliti niya ako. Hinampas ko siya nang hinampas at tawa naman siya nang tawa.
"Ikaw talaga ang nagluto nito?" Tanong ko at tumango naman siya.
Tatango-tango ako, naparami ang kain ko dahil ang sarap ng pagkakaluto niya. Para lang akong kumain sa restaurant.
"Ilang taon na akong namuhay mag-isa kaya natuto rin akong magluto."
Natigil ako sa pagnguya at nakaramdam ng inggit, namuhay rin naman ako mag-isa pero hindi nag-iimprove ang luto ko.
Pagkatapos kong kumain ay siya pa ang naghugas, siya naman daw ang nagluto kaya siya ang maglilinis.
Nang matapos ay hinintay ko pa siyang makaalis, kumunot ang noo ko dahil sumipol pa siya. "Let's go, Hunter! Shadow!"
Napanganga ako dahil patakbong pumunta sa kaniya sina Hunter, hindi manlang niya ako nilingon. Tumakbo naman papunta sa kwarto si Shadow kaya napangisi ako dahil hindi siya sasama.
"At talagang lalayas ka, Hunter? Sasama ka talaga sa kaniya? Sige... kung iyan ang gusto mo, pero hindi sasama sa inyo si Shadow... manigas ka!" Pinagkrus ko pa ang braso ko.
Tumaas ang isang kilay ko ng ngisian niya ako at napatingin sa gilid ko. Tumingin din ako sa gilid ko at nakita si Shadow na naglalakad palabas. May kagat-kagat pa siyang karne.
Aba't talagang nagbaon pa ng pagkain!
"Good Girl, mas love ninyo ang Daddy 'di ba? 'Di ba?"
Sinamaan ko sila ng tingin. "Traitors!" Singhal ko kina Shadow.
Umalulong sila at nagtago sa likod ni Ace. Tinakpan pa ni Ace ang tainga nila.
"Huwag mong pagalitan ang mga Anak natin, Barney," seryoso niyang sabi.
Kailan niya pa naging Anak sina Hunter?
Papasok na sana sila sa loob ng tawagin ko si Ace. "Miss me, Baby?"
Napangisi ako ng kumunot ang noo niya, tiim bagang niyang tiningnan ang ginagawa ko. Dahan-dahan ko pang hinubad ang t-shirt na suot ko.
"Miss mo mukha mo!" Singhal ko at binato ang t-shirt sa mukha niya.
Padabog ko namang sinara ang pinto pagkatapos.
Magsama silang tatlo!
Nakangiti akong kumilos, kahit sa pagligo ay masaya ako. Napapasayaw at napapakanta pa ako.
Hindi naman pupunta si Aubrey ngayon dahil holiday at pinagpahinga ko na muna siya. Napili kong suotin ang white off shoulder dress at umabot iyon hanggang sa hita, kitang-kita rin ang kurba ng katawan ko.
Inayos ko rin ang buhok ko at ginawang messy bun iyon. Naglagay din ako ng lipstick at sinuot ang sandals ko.
Nagtaka pa ako dahil bukas ang pinto sa unit ni Ace, nakita ko pa si Shadow na pabalik-balik at may kagat-kagat.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
Storie d'amoreYou will never chase what wants to stay with you.