TYRONIA'S POV
Nasa gitna na si Tyson ngayon at pinaupo na ang iba. May pinatugtog na music pero hindi manlang siya sumayaw. Nanatili siyang nakatingin kay Naomi na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Mayamaya ay lumapit na siya kay Naomi. Nangingibabaw ang boses nina Bobbie at inaasar si Bolt.
Lumuhod si Tyson at isinuot na ang garter kay Naomi.
"Higher."
Nasapo ni Naomi ang noo habang tinataas ni Tyson ang garter. Kahit kami ni Barney ay nakikisigaw na rin. Tuwang-tuwa naman si Helen sa nangyayari. Nakita ko pang kinakausap niya ang magulang ni Naomi na parang gusto na niya silang ipakasal ngayon.
Naging mabilis ang pangyayari dahil parang nagka-ilangan silang dalawa. Pagkatapos ay hinatid na ni Tyson si Naomi sa upuan, nagkausap pa sila pero saglit lang iyon.
Napatingin ako kay Aevan nang tumayo siya, kasama niya sina Bolt, Blaze, at Dave. Naglakad sila papunta sa gilid at mukhang tutugtog sila.
"Let's go?"
Napatingin ako kay Barney nang ilahad niya ang kamay. Nakangiti ko iyong hinawakan at naglakad kami papunta sa stage.
"Dive" By Ed Sheeran
Napangiti ako nang mag-umpisang kumanta si Aevan. Hinawakan ni Barney ang kamay saka baywang ko at sinayaw ako. Bumungisngis ako dahil kung ano ang sinayaw namin sa unit ay iyon ang sinasayaw namin ngayon.
Hindi ko na napigilang hampasin siya, "Kaya mo pala 'ko sinasayaw dati kasi nagpapraktis ka."
Napanguso ako dahil tinawanan lang niya ako at nagpatuloy sa pagsayaw. Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko at parang marami siyang gustong sabihin. Maingat niya pa akong inikot at bakas sa mukha niya ang saya.
Pagkatapos ng tugtog ay bumaba kami sa stage at pinuntahan ang mga bisita.
"Anak!" Masayang sabi ni Tracy nang puntahan namin sila. Niyakap niya ako at pinakatitigan ang mukha ko.
"Masaya ako dahil naikasal na rin kayo," naiiyak niyang sabi.
"Alagaan ninyo ang isa't isa." Baling ni Eugene kay Barney.
"Joou (Queen)."
Lumingon ako ng may tumawag sa 'kin. Kumibot ang labi ko nang makita sila. Parang nakikita ko si Zachary ngayon dahil kaharap ko ang magulang niya.
"M-Ma... Pa," naiiyak kong tawag.
"Na-miss ka namin," malambing na sabi ni Elizabeth.
Lumapit ako sa kanila at niyakap sila ng mahigpit.
"Masaya ako dahil magkakaroon ka na ng sariling pamilya, sigurado akong masaya rin si Zachary para sa 'yo," malambing na sabi ni Juno.
Inalo ako nina Barney hanggang sa makalma ako, kapag kaharap ko ang magulang ni Zach ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Sa tuwing nakikita ko sila ay naaalala ko si Zachary. Nagpasalamat din ako sa kanila dahil nakapunta sila sa kasal namin.
Mayamaya ay kinausap din namin ang mga tauhan at empleyado ng TMA. Pagkatapos ay pinuntahan namin ang mga Joou (Queen), kinausap namin sila gamit ang lengguahe namin. Natagalan kami sa pag-uusap dahil marami silang binalita sa 'kin tungkol sa asawa ni Jiro.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
RomanceYou will never chase what wants to stay with you.