CHAPTER FORTY SEVEN

212 14 0
                                    

WARNING: This chapter contains adult language and situations intended for mature readers only. The content could be shocking for young readers and sensitive minds so read at your own risk. It is not suitable for children below 18 years old.

You've been warned.


TYRONIA'S POV


Hindi ko alam ang sasabihin at nanatili akong nakahawak sa damit niya. Kung hindi niya ako sinagip ay baka kung ano na ang nangyari sa 'min ng anak ko. Mayamaya ay nabitawan ko ang damit niya ng buhatin niya ako. 

Nagkusa na lang ang mga kamay ko na yakapin ang leeg niya at isiksik ang mukha ko roon. Kahit papaano ay kumalma ako ng maamoy ko ang paborito kong pabango niya. Hindi siya nagsalita hanggang makarating kami sa elevator.

"I'm s-sorry," nauutal kong sabi. 

Saglit pa siyang natigilan sa paglalakad bago magpatuloy. Mayamaya ay narinig kong may bumukas na pinto. Maingat niya akong binaba at ramdam kong nakatingin siya sa 'kin. Nanatili akong nakatingin sa sahig at hinintay siyang magsalita, kahit ang pagsara ng pintuan ay nakita ko.

"Why did you say sorry?"

Napalunok ako at hinawakan ang laylayan ng dress ko. Pakiramdam ko ay galit siya sa 'kin.

"K-Kasi... kamuntikan na kaming m-mapahamak ng baby ko," nauutal kong tugon.

"Baby natin."

Muli akong napalunok ng itama niya ang sinabi ko.

Naging matunog ang buntonghininga niya at lumapit sa 'kin. Umatras ako pero napasandal na ako sa pader.

"This will be your last time drinking alcohol." seryoso niyang sabi.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya.

"Huh? Why?" Agad kong tanong. Muli siyang bumuntonghininga at nanatiling nakatingin sa 'kin.

"It's bad for the baby," tugon niya at hinawakan ang tiyan ko. 

Natameme ako at hindi makapagsalita habang nanatiling nakatingin sa kaniya. Gusto kong magreklamo pero ayaw sumunod ng bibig ko, na para bang sinasabi niyang tama ang sinabi ni Ace at kailangan ko iyon sundin. 

Napapikit pa ako dahil naalala ko ang malanding babae na kausap niya kanina.

Natigil siya sa paghaplos ng tiyan ko ng talikuran ko siya at umupo sa may sofa. Hindi ako nagsalita at tinanggal lang ang suot kong heels. Natigil ako sa ginagawa dahil nakita ko siyang iniluhod ang kaliwang tuhod niya sa harap ko. Ipinatong niya pa ang heels ko sa tuhod niya at siya ang nagtanggal no'n.

Napaayos ako ng upo at tiningnan siya. Pagkatapos niyang matanggal ang isa ay ang isa naman ang tinanggal niya.

"Why are you here anyway? Akala ko ay pupunta ka sa bahay ng babae mo?" Inis kong tanong. 

Tumaas ang isa kong kilay dahil narinig ko siyang bumungisngis. Pinagkrus ko ang braso at pinanuod lang siyang tanggalin ang isa kong heels.

"Wala akong babae, Barney." Kalmado niyang tugon.

"Tss... hindi ba babae ang kausap mo kanina? Saka... ako dapat ang lalandi 'di ba? Bakit ikaw ang lumandi?" Irita kong sabi.

Umiling-iling siya bago tumingin sa 'kin.

"Hindi ako lumandi, Barney." Natatawa niyang sabi.

"Eh bakit mo 'ko sinundan kanina?!"

Ngumiwi siya sa tinanong ko.

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon