CHAPTER THIRTY NINE

209 17 0
                                    

WARNING: This chapter contains adult language and situations intended for mature readers only. The content could be shocking for young readers and sensitive minds so read at your own risk. It is not suitable for children below 18 years old.

You've been warned.


TYRONIA'S POV


Nanatili akong tulala dahil iniisip ko pa rin ang tumawag kanina.

"Tania."

Bumalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Eunice. Nilapag niya ang kape sa harap ko kaya nginitian ko siya.

"Magpahinga ka na muna, baka magkasakit ka na naman."

Umiling ako bago sumimsim ng kape.

"Kaya ko 'to," nakangiti kong tugon.

Pagkatapos ay itinabi ko muna ang kape at kinuha ang papeles na kailangang pirmahan. Binasa ko pa muna iyon bago pirmahan. 

Sabay na rin kaming nananghalian nina Paul at sa opisina na kami kumain. Maghapong wala si Barney dahil marami siyang kinakausap na client.

Pagkatapos ng trabaho ay pinauwi ko na sina Paul dahil balak kong matulog dito. Sinabi pa nilang bukas ko na ituloy ang trabaho at magpahinga na. Tinext ko rin si Barney na hindi ako uuwi sa unit at dito ako magpapalipas ng gabi sa TMA. May mga damit rin ako rito dahil dito ko iniiwan ang mga damit na nireregalo sa 'kin ng mga client ko.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Hinawakan ko ang balikat ko at minasahe dahil nangalay iyon. Ang dami kong natapos ngayon kaya kaunti na lang ang gagawin ni Barney. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay namili ako ng damit. 

Kumuha ako ng t-shirt ni Barney at sinuot. Bahagya pa akong natawa dahil malaki sa 'kin iyon at para na siyang dress sa 'kin.

Pabagsak pa akong humiga at nagkumot, pinatay ko na rin ang lamp shade at pinikit ang mga mata hanggang sa makatulog ako.

***

Kumunot ang noo ko ng may yumakap sa 'kin. Binuksan ko ang lamp shade at nakita si Barney. Lumapit pa ako sa mukha niya at inamoy siya.

"Uminom ka ba?" Tanong ko dahil amoy alak siya.

Bakas ang pagod sa mukha niya at napapapikit na. 

"Kumusta ang meeting?" Tanong ko habang tinatanggal ang sapatos niya.

"We have a new client," nakapikit niyang tugon.

Pagkatapos kong hubarin ang sapatos at medyas niya ay itinabi ko iyon sa gilid. Mukhang hindi na siya makakaligo dahil sa pagod kaya kumuha ako ng pamalit niya sa cabinet.

Umupo ako sa tabi niya at niyugyog siya. "Barney, magbihis ka na muna." 

Humarap siya sa 'kin at hinila ako pahiga. 

"Barney, magbihis ka na para makapagpahinga ka na," utos ko pero niyakap niya lang ako ng mahigpit.

Hindi niya ako tinugon kaya niyakap ko na rin siya at sinuklayan ang buhok. 

Mayamaya ay dahan-dahan akong umalis para hindi ko siya magising pero humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin.

"Don't leave me," bulong niya.

Pumaibabaw siya sa 'kin at tinitigan ang mukha ko. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ang mukha. Kahit na pagod siya ay ang gwapo pa rin niya. Maganda talaga ang lahi nina Barney dahil pati si Aevan ay gwapo rin.

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon