CHAPTER FIFTY SIX

265 2 4
                                    

ACE POV

Pagkamulat ko nang mga mata ay kaagad akong napangiti dahil mukha ng asawa ko ang bumungad sa 'kin. Binaling ko ang paningin sa drawer at tiningnan ang oras. Napakurap ako dahil hapon na akong nagising at nalipasan na kami ng kain. Pagkatapos ay muli kong tiningnan ang asawa kong mahimbing ang tulog at... namumutla.

Bumalikwas ako nang bangon at nasapo ang noo dahil nakalimutan kong kumutan siya kanina. Agad kong kinuha ang remote ng aircon at pinatay iyon. Dinampot ko rin ang comforter sa sahig at kinumot iyon sa kaniya. Nataranta pa ako dahil nanginginig ang katawan niya.

"Damn it!"

Patakbo akong pumunta sa banyo para punuin ang bath tub nang maligamgam na tubig. Binatukan ko ang sarili dahil hindi siya p'wedeng magkasakit. Nasa isla kami at malayo ang hospital rito, hindi rin siya p'wedeng uminom basta-basta ng gamot dahil nagdadalang-tao siya. Masyado akong napagod kanina at hindi ko napansing nakatulog na pala ako.

Nang mapuno ko ang bath tub ay pinuntahan ko siya at maingat na binuhat. Ilang beses ko pang minura ang sarili, ayaw kong magkasakit siya dahil hindi niya ma-e-enjoy ang bakasyon namin. Sigurado akong tulad ko ay masyado rin siyang napagod dahil ilang beses kaming nagtalik kanina.

Dahan-dahan akong lumublob sa bath tub at hiniga siya sa dibdib ko. Para siyang tumambay sa repridyireytor dahil sa lamig ng katawan niya. Napapikit ako sa inis dahil unang araw namin sa isla ay ganito na ang nangyari. Gusto kong hatiin ang katawan ko para magluto dahil sigurado akong magugutom siya pagkagising. 

Lumipas ang ilang minuto ay nagkakakulay na ulit ang labi niya at hindi na siya namumutla. Nanatili ako sa ganitong pwesto at sinusuklayan lang ang buhok niya. Bahagya pa akong natawa dahil kumalam ang tiyan niya. Hinimas ko ang tiyan niya na para bang mabubusog ang anak ko kapag ginawa ko iyon.

Hinalikan ko ang noo niya nang kumunot ang noo niya. Kinusot niya rin ang mata at napatingin sa kamay niyang basa.

"Good afternoon, baby," malambing kong sabi habang sinusuklayan ang buhok niya.

Ginawaran ko siya ng matamis na ngiti nang magtama ang mga mata namin. Inilapit ko rin ang mukha ko para dampian ng halik ang labi niya. 

Tumingin pa siya sa paligid at marahang hinampas ang tubig gamit ang kaliwa niyang kamay.

"Bakit tayo nandito, Barney?"

"Nakalimutan kong kumutan ka. Nagising akong namumutla ka kaya dinala kita rito... malayo kasi ang hospital dito kaya hindi ka p'wedeng magkasakit."

Ngumiti siya at niyakap ako. "Ang swerte ko talaga sa asawa ko."

Bahagya akong natawa dahil pinadyak niya pa ang mga paa.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Nakapikit siyang tumango at niyakap ako ng mahigpit. Sabay pa kaming natawa nang kumalam ulit ang tiyan niya. 

Naligo na muna kami bago bumaba, natagalan kami sa pagligo dahil kung ano-ano ang pinaggagawa niya at napagtripan ako. Pagkababa namin ay sinabi ko pang maglakad-lakad na muna siya sa labas habang nagluluto ako. Gusto niya pang sa labas kami kumain dahil maganda raw ang tanawin. Marami rin akong lulutuin dahil hindi na kami nakakain nang agahan. 

Alam kong hindi sanay sa gawaing bahay si Barney dahil inaasikaso siya ni Aubrey dati. Hindi na rin ako kumuha ng kasambahay dahil gusto kong ma-solo si Barney. Pagkatapos kong magluto ay pinuntahan ko siya sa labas para sabihing kakain na kami. Natigil ako sa paglalakad nang makita ko siyang buhat-buhat ang lamesa.

"Tyronia!" Inis kong tawag. 

Mukhang nagulat pa siya nang marinig ang pangalan niya. Naglakad ako papunta sa kaniya at inagaw ang lamesang buhat niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon