TYRONIA'S POV
Lumipas ang dalawang linggo ay balik normal na ang buhay namin ni Barney. Tapos na rin ang drama at mas lalo ko pa siyang minahal. Kaya pala ayaw niya akong pagtrabahuin no'n dahil bawal raw sa 'kin ang ma-stress.
Sinabi ko pang hindi naman ako nakakaramdam ng stress sa trabaho. Mas nakakaramdam pa ako ng stress kapag wala akong ginagawa at tambay lang. Wala na rin siyang nagawa at hindi na nakipagtalo sa 'kin.
Nakapagpa-check up na rin kami sa OB/GYN. Kahit ang reaksyon niya nang makita ang baby namin sa monitor ay sariwa pa rin sa isip ko ngayon. Excited na raw siyang malaman ang kasarian ng anak namin. Sinabi niya pang lalaki raw ang gusto niya at susundan na lang daw agad namin ng babae dahil iyon ang gusto ko.
Natuwa rin sina Mio nang malamang nagkaayos na kami. Nabalitaan din nina Helen at Tracy na nagdadalang-tao ako. Kahit ang ginawa ni Ace ay nalaman nila kaya puro sermon ang inabot ni Barney sa kanila. Kahit sina Bobbie at Bolt ay sinermunan siya.
Kada linggo ay tinatawagan ako ni Tracy dahil kinukumusta niya ang lagay ko at pinapadalhan ako ng Muffins. Tulad ni Barney ay excited na siyang makita ang apo niya. Sina Barney at Eunice naman ang palaging nagpapaalala sa 'kin ng mga vitamins na kailangan kong inumin. Kahit sina Jasper ay natuwa nang malamang buntis ako.
Nakikisama ang anak ko dahil hindi na ako nakakaramdam ng morning sickness kaya nakakapagtrabaho ako ng maayos. Nasabihan na rin nila ang mga client na kumuha sa 'kin tungkol sa kalagayan ko. Nalungkot pa ang iba nang malamang titigil ako pansamantala kapag nanganak na ako. Kahit na ganoon ay naintindihan nila ang sitwasyon ko at nagpasalamat pa sila sa 'kin dahil malaki raw ang naitulong ko sa kanila. Kung hindi raw dahil sa 'kin ay hindi tataas ang kita ng kompanya nila.
Sinabi rin sa 'kin ni Barney na may gagawin kaming photoshoot para sa kasal namin ngayong darating na sabado. Excited na ako dahil masusuot ko na ang wedding dress na dinisenyo ni Naomi. Natuwa ako dahil kasama sa photoshoot ang mga bridesmaid at ang mga groomsmen. Makikilala na rin nina Naomi ang mga naging kaibigan ko rito sa Manila at nasisiguro kong makakasundo nila sina Jasper.
Kasalukuyan akong nag-po-pose dahil may bagong produkto ang Attraction Design at ako ang napili nilang mag-model no'n.
"Oh great timing!"
Natigil ako sa ginagawa ng marinig ang boses ng babae. Naglakad siya papunta sa director habang nasa akin ang paningin. Nagtataka ako dahil dumadalas ang pagpunta niya sa TMA na para bang siya ang may-ari nito.
Nilapitan pa siya ni Paul at binigyan ng upuan para maupo. Alam ko ring isa sila sa VIP client pero hindi ko alam ang pangalan niya.
Tumaas ang kilay niya at sumenyas pa sa 'kin.
"Go on... continue," maarte niyang sabi.
Nagpakawala ako ng hangin bago magpatuloy. Nagpokus lang ako sa bag na hawak ko at nag-pose. Narinig ko pa ang papuri ng photographer dahil nagustuhan ang ginawa ko.
"Okay... stop."
Natigil ulit kami sa ginagawa ng magsalita ang babae. Napabuga ako ng hangin dahil inaantala niya ang trabaho ko. Kahit noong nakaraang araw ay ganiyan din ang ginagawa niya. Mukhang hindi na naman niya nagustuhan ang ginawa ko at sigurado akong tuturuan na naman niya ako ng mga unprofessional niyang pose. Dati ay oo lang ako nang oo sa kaniya dahil client is always right daw. Ngayon ay hindi ko alam kung papayag pa ba ako dahil alam kong tama ang ginagawa ko.
"Is there something wrong?" Tanong ni Paul.
Tumaas ang isang kilay ng babae at nanatiling nakatingin sa 'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/228207110-288-k188952.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
RomanceYou will never chase what wants to stay with you.