CHAPTER FORTY SIX

218 15 0
                                    


TYRONIA'S POV


Nagising akong masama ang pakiramdam. Pinakiramdaman ko pa ang kamay ko dahil namamanhid iyon. May naririnig din akong ingay at pamilyar iyon sa 'kin. 

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napapapikit dahil nasisilaw ako sa ilaw. Ramdam ko pa ang init na umaalingasaw sa katawan ko at masakit ang likod ko. 

"She's awake."

"Tyra."

"B-Baby."

Kumunot ang noo ko dahil may humawak ng kamay ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko si Ace na umiiyak. Umigting ang bagang ko nang maalala ko ang ginawa niya sa 'kin. Agad na nangilid ang luha ko kaya ipinikit ko ang mga mata ko.

Nagpakawala ako ng hangin bago magsalita.

"What are you doing here." Seryoso kong sabi bago hilahin ang kamay kong hawak niya.

"B-Baby... I'm so sorry," tugon niya.

Muli akong napadilat at humawak sa tiyan ko. Tumingin ako kay Aevan na nakatayo sa may likod ni Ace. May pasa rin siya sa mukha pero mas marami ang kay Ace.

"A-Ang baby ko... k-kumusta ang baby ko?" Naiiyak kong tanong.

"M-Maayos lang ang lagay ng baby natin, B-Barney." Si Ace ang sumagot.

Napapikit ako dahil para akong aatakihin sa puso. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Ace kung sakaling may masamang nangyari.

Manang-mana ka sa Mommy, Anak. Strong. Huwag kang magmamana sa Tatay mong nagtatapon ng pagkain.

"B-Baby, please forgive me." Nakikiusap na sabi ni Ace at muling hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko siya at tinitigan. 

Nang makuntento ay binaling ko ang paningin sa kisame at pinikit ang mga mata nang maalala ang mga sinabi niya sa 'kin no'n. Pinigilan kong umiyak pero trydor ang mga mata ko dahil umagos na ang luha ko.

"B-Baby, don't cry... p-please. N-Nadala lang ako ng s-selos, hindi ko sinasad—"

"Tyronia."

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang magsalita ako.

"Tyronia ang pangalan ko." 

Narinig ko siyang humagulgol sa pag-iyak at hinawakan ang kamay ko.

"I love you, b-baby... nagsisisi na 'ko sa mga nagawa ko. Patawarin mo 'ko, please."

Minulat ko ang mga mata at hinila ang kamay ko. Inangat ko pa iyon para tingnan ang nakakabit doon. 

"Gusto ko ng umuwi." Walang gana kong sabi. 

Nagpakawala ako ng hangin bago ko tanggalin ang nakakabit doon.

"T-Tyra... 'wag mong tanggalin iyan."

"B-Baby... hindi ka pa magaling."

"The doctor said—"

"Umalis na kayo." Seryoso kong sabi at sinamaan sila ng tingin.

"K-Kakausapin ko lang ang Nurse." Nauutal na sabi ni Sadie at tinuro pa ang pintuan.

"Iuuwi k-ka na pala n-namin, b-baby." Nauutal na sabi ni Ace at agad na tumayo.

"B-Babayaran lang namin ang bills." Nauutal na sabi ni Aevan at kinuha pa ang wallet sa bulsa niya.

Sabay-sabay pa silang lumabas. 

Buong lakas akong bumangon, napabuga pa ako ng hangin nang makita ang singsing sa daliri ko.

Tinatanggal-tanggal mo tapos isusuot mo rin? Abnormal.

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon