TYRONIA'S POV
Kumunot ang noo ko nang may marinig akong mga tumatahol. Napaatras ako nang kaunti dahil nakita ko ang mga anak nina Hunter at iniikutan na nila ako. May kagat-kagat silang maliit na basket at sigurado akong may butas iyon sa ilalim dahil may nahuhulog na petals doon.
What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heartAgad akong napatingin sa loob nang may marinig akong tugtog. Umawang ang labi ko nang makita ko silang lahat sa loob at nakatingin sila sa 'kin. Napakurap ako dahil nandito ang mga empleyado ng TMA.
How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart, I knewNamuo ang luha sa mga mata ko dahil sigurado akong hindi photo shoot ang nangyayari ngayon. Totoong ikakasal na ako dahil nandito rin sa loob ang mga Joou (Queen) ng iba't ibang Gang sa Japan at Pilipinas. Kahit ang mga tauhan namin ay nandito pati mga pamilya nila. Napabuga ako ng hangin nang makita ko ang magulang ni Zach. Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil pinipigilan kong umiyak. Ngayon ko na lang ulit sila nakita at gusto ko silang yakapin.
Baby your my destiny
You and I were meant to beMakikita din sa magkabilang gilid ang malaking simbolo ng Gang namin ni Barney. Binaling ko ang paningin kay Naomi nang sumenyas siyang maglakad ako. Bahagya akong napangiti dahil nakita ko siyang lumuluha. Tumango ako bago maglakad ng dahan-dahan, napatingin ako sa mga anak nina Shadow na nauuna nang maglakad sa 'kin. Ito ang na-i-imagine kong gagawin nila at hindi ako makapaniwalang nagagawa nila 'to ngayon.
Binaling ko ang paningin sa kaliwa kung saan nakapwesto ang mga empleyado ng TMA, maluha-luha nila akong tiningnan. Kahit ang ibang kliyente namin ay nandito rin. Ginawaran ko sila ng matamis na ngiti bago tumingin sa kanan kung saan nakapwesto ang lahat ng mga tauhan namin, sina Helen, ang mga Joou (Queen) at magulang ni Zach.
"Joou (Queen)."
Nahinto ako sa paglalakad at humarap kay Helen nang tawagin niya ako. Ibang Helen ang nakikita ko ngayon dahil seryoso siya at maotoridad ang pagkakatawag niya sa 'kin. Napakurap ako nang magbigay-galang siya sa 'kin at ganoon din ang ginawa ng iba.
Mukhang hindi inaasahan ng pari at ng ibang bisita ang nakikita dahil lahat nang nasa kanang bahagi ay nagbigay-galang sa 'kin. Sina Barney at Naomi ay ganoon din ang ginawa. Pagkatapos ay ginawaran ko sila ng matamis na ngiti bago ako magpatuloy sa paglalakad.
Bahagya akong natawa nang makita kong umiiyak si Barney. Inaalo siya ni Aevan at mukhang nag-uusap sila dahil tatango-tango si Barney sa kaniya. Masaya ako dahil okay na sila, nakikita ko rin sa mga mata ni Aevan na masaya siya para sa 'min.
Kaunting lakad na lang ay malapit na ako kay Barney. Lumapit sa 'kin si Naomi at inalalayan akong makaakyat sa hagdan.
"Tulo na ang uhog mo, ma-tu-turn off sa 'yo sina Tyson sige ka," Bulong ko.
Humaba ang nguso niya at pinunasan ang sipon. "Kasi naman, best friend. I'm happy for you, sa wakas natali ka na rin," umiiyak niyang sabi bago ako iwan.
Humarap ako kay Barney at ginawaran siya ng matamis na ngiti.
"Barney ko," malambing kong sabi. Nangilid ang luha ko dahil patuloy siya sa pag-iyak at nanatiling nakatingin sa 'kin.
"B-Barney ko... napakaganda mo," naiiyak niyang tugon.
"Welcome family, friends, and loved ones. We are gathered today to celebrate the union of Tyronia Sakurai Monreal and Ace Hazegawa Serrano. We are all here to support this commitment of love and to share the joy of Tyronia and Ace as they choose to spend their lives together."
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
RomanceYou will never chase what wants to stay with you.