CHAPTER EIGHT

251 13 0
                                    


TYRONIA'S POV

"Anong nangyari, Paul?" Tanong ko. Nagtaka ako dahil natataranta siyang suotan ako ng roba, siya pa ang nagtali no'n.

Tumikhim pa siya, "A-Ah... kasi." 

Kumunot ang noo ko dahil ang weird niya ngayon.

"Panget ba ang pose ko? May nagreklamo ba?" 

Niluwagan niya ang neck tie at umiling nang umiling.

"You see... y-you contributed a lot in just two months and ahm... we would like to give you ahm a... off! A special day off! Hahaha yeah! Thats it!" 

Nagkatinginan pa kami ni Aubs, pero nagkibit-balikat lang siya.

"Are you firing me?" Seryoso kong sabi at pinagkrus ko pa ang braso.

Nanlaki pa ang mga mata niya sa sinabi ko. "H-Ha? N-No! No no no no!" 

Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Nakita kasi kitang natutulog doon kanina, ayaw naman naming sagarin mo ang sarili sa pagtatrabaho. Mahirap na kapag nagkasakit ang top model namin... may babaguhin din kasi kami sa s-schedule mo at next week na ulit ang start mo." 

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Next week? Hindi ko pa nga natatapos ang trabaho ko ngayon.

"Pero hindi pa ako tapos magtrabaho ngayon, Paul... hindi ba p'wedeng tapusin ko muna? Baka matambakan ako next week," reklamo ko.

Lalo akong mapapagod kapag natambakan ako.

"It's okay... I will handle it," nakangiti niyang sabi. Hinawakan niya pa ang balikat ko at hinilot iyon. "So be a good girl and enjoy your special off... okay? You deserve it!" Tumingin pa siya sa heels ko. "Pagod na siguro ang paa mo dahil sa taas ng heels na suot mo... so you can go home na, okay? Hayaan mo na iyon si Cedrick." 

Ang weird talaga ni Paul. 

Nagpaalam pa siya sa 'kin na kakausapin niya si Cedrick.

"Special off?" Mahina kong sabi. 

Hinanda naman ni Aubs ang pamalit ko. "Baka ganoon talaga kapag top model? May special off," sabi ni Aubs.

Hindi pa rin ako nakuntento sa sinabi ni Paul, p'wede naman niyang sabihin pagkatapos ng trabaho ko pero bakit kailangan niya pang udlutin? 

Ilang beses akong napailing habang nagbibihis, nakita ko pa si Paul na papunta sa 'min. "Here... let's go?" 

Napakurap ako dahil binigyan niya ako ng kape.

Talagang pumunta pa siya sa starbucks? May pa kape siya ngayon, ano ba ang nakain niya?

Nahinto ako sa paglalakad. "Wait... where are we going?" Tanong ko.

Pinaangkla niya pa ang kamay ko sa braso niya. "Ihahatid kita." 

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Inilagay ko pa ang palad ko sa noo niya. 

Bumungisngis siya sa inasta ko. "Anong ginagawa mo, Tania?" 

Napangiwi ako dahil hindi naman siya mainit, mukhang may saltik siya ngayon. "Nakakapanibago ka ngayon eh... may pa kape ka pa, tapos ihahatid mo pa kami. May dala akong Tigre," sabi ko bago uminom ng kape.

"Tigre?" 

"Pangalan ng sasakyan ko iyon, si Tiger." 

Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at napanganga pa. "H-Hahaha! You really are one of a kind!"

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon