CHAPTER SIX

306 32 34
                                    


ACE POV

Dalawang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin nahahanap ng mga tauhan ko si Tyra. Naging abala rin ako dahil sa kaliwa't kanang meeting nitong nakaraang araw. Karamihan doon ay bagong kliyente. Natuwa pa ako dahil bukang bibig ng mga bagong kliyente si Tania. Hindi ko akalaing dahil sa kaniya ay nakahatak kami ng maraming kliyente.

Bilib talaga ako kay Paul dahil sa galing niyang pumili ng modelo.

Matapos kong pirmahan ang mga tseke ay kinuha ko ang report na binigay ni Eunice kanina para tingnan. Makikita rito ang progress at sales ng kompanya ngayong buwan. 

Kumunot ang noo ko at kinuha ang report noong nakaraang buwan saka pinagkumpara.

"What the fuck!" Hindi ako makapaniwala dahil ang laki ng itinaas ng sales namin ngayong buwan.

"Boss... is there something wrong?" 

Niluwagan ko ang neck tie bago ibaling ang paningin kay Eunice. "Is this for real?" Tanong ko. Inabot ko sa kaniya iyon, umawang ang labi ko ng tumango siya.

"Yes Boss, kahit ako ay nagulat. Malakas ang impact simula ng magtrabaho sa 'tin si Tania," nakangiti niyang sabi.

"Hindi nga tayo umabot ng kalahati last month! 84.9%, What the hell!" Nahilamos ko ang palad sa mukha ko.

Napapailing ako habang tinitingnan ang report.

"Hey, busy man!" Sabay kaming napatingin ni Eunice kay Paul na kakapasok lang.

"Bakit gulat na gulat ang itsura mo?" Natatawa niyang tanong.

Inabot ko naman sa kaniya ang report. Tatango-tango siya habang tinitingnan iyon.

"It's all thanks to Tania, huh?" Nakangiti niyang sabi. "Eto pa! You won't believe this! Our magazines are sold out! In just three fucking days! Three days, Men! Three days! Can you believe that? Gusto pa ngang kumuha ng mga suppliers natin dahil patok daw."

Napalunok ako at napaayos ng upo. Ngayon lang nangyari ito, hindi ko alam kung ano ang kabutihang nagawa ko at biniyayaan kami ng ganito.

"Oh my gosh!" Natutop ni Eunice ang bibig. 

"Grabe! Niyanig ang kompanya natin at ang daming tumatawag! Halos hindi na nakakain ng lunch ang mga empleyado natin dahil doon." 

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nalaman. 

"Ngayon nga lang ako nakabalik dahil abala rin ako sa pakikipag-usap sa mga bagong kliyente at ngayon lang natahimik ang cellphone ko dahil lunch break! Gustong-gusto nila si Tania!"

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Si Tania ang nagdala ng s'werte sa 'min.

"Masama na nga ang loob ng ibang models dahil hindi sila napipili ng mga bagong client," nakangiwi niyang sabi.

"It's all thanks to you, Paul. Ikaw ang nagpasok kay Tania, she's a big hit! Akala ko ay nagkamali lang sila ng report dahil ang laki ng itinaas! Kaya pala ang lahat ng meetings ko sa ibang kompanya ay gustong kuhanin si Tania."

Kumuha siya ng alak sa estante at tatlong baso saka binigay sa 'min. Sinalinan niya pa kami at itinaas ang baso niya. "Cheers!" Masayang sabi ni Paul.

"Congrats sa TMA, Boss," nakangiting sabi ni Eunice.

"Si Tania dapat ang pasalamatan natin. She's working here pero hindi ko pa siya nakikita," nakangiti kong tugon.

"Ako rin," natatawang sabi ni Eunice habang dahan-dahang iniikot ang alak sa baso niya.

"Busy din siya, Men... grabe nga ang schedule niya ngayon eh. Hindi talaga siya uuwi hangga't hindi niya natatapos. Wala raw siyang karanasan sa pagiging modelo pero napakapropesyunal niyang kumilos." 

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon