CHAPTER TWENTY EIGHT

229 9 0
                                    


TYRONIA'S POV


Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni Barney sa kwarto para magbihis dahil nandiyan na raw ang yate at hinihintay na kami.

Sinuot ko ang itim kong two piece, inayos ko pa ang pagkakatali no'n. Natigilan ako sa pagtali ng buhok nang maalala ko ang marka na nilagay ni Aevan sa leeg ko. Buntonghininga kong nilugay ang buhok ko. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Bumagay ang two piece ko sa tattoo ko at sa wavy kong buhok.

Kinuha ko pa ang isang shades ko sa maleta at iyon ang sinabit ko sa bra.

Kinuha ko ang lotion sa maleta at sakto namang dating ni Barney. Kumunot pa ang noo niya nang makita ang suot ko.

"Barney, lagyan mo 'ko ng lotion sa likod," nakangiti kong sabi at inabot sa kaniya ang lotion. Tumalikod ako at hinintay siyang lagyan ako.

Nagtaka pa ako dahil tinanggal niya ang pagkakatali ng bra ko kaya hinawakan ko ang dibdib ko.

"Barney, bakit mo tinanggal?" Tanong ko. 

Umayos ako ng tayo dahil nilalagyan na niya ako ng lotion sa likod.

"Masyadong sexy ang suot mo, Barney," reklamo niya habang abala sa paglagay ng lotion sa likod ko.

"Oh siya... ihanap mo 'ko ng pajama at iyon ang susuotin ko," nakangiwi kong sabi.

Napalunok pa ako dahil sa ginagawa niya, mukhang tapos na niya akong lagyan ng lotion dahil hinahaplos na niya ang likod ko sa nakakaakit na paraan. 

"Barney," tawag ko nang maramdaman ang palad niya sa tiyan ko. Pataas nang pataas ang paghaplos niya hanggang makarating ang palad niya sa dalawa kong bundok. Naramdaman ko pa ang gising niyang alaga sa pigi ko. Tiim bagang akong pumikit dahil naaakit ako sa paraan niya ng paghimas sa dalawa kong bundok at napahawak na ako sa braso niya.

Napabuga ako ng hangin nang maramdaman ang hininga niya sa may tainga ko at kinagat niya pa iyon ng marahan. Pakiramdam ko ay namumula na ang tainga ko dahil sa ginawa niya.

"B-Barney," mahina kong tawag dahil patuloy niyang pinaglalaruan ang tuktok ng bundok ko.

"I can't wait to marry you and make you mine," bulong niya.

"I hope you've gotten enough sleep... because you won't be getting any for a while when we get married."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"B-Barney... tayo na lang ang hinihintay," nauutal kong sabi.

Nakahinga ako ng maluwag ng ayusin niya ang bra ko at itali nang maayos. Inayos ko pa ang buhok bago humarap sa kaniya.

Hinampas ko pa siya dahil bigla siyang tumawa.

"Bwiset ka, ang init-init tuloy!" Singhal ko at muli siyang hinampas.

"P'wede namang huwag na tayong sumama at tanggalin na lang natin ang init sa katawan mo, Barney."

Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro.

"Stop teasing me," banta ko. Hinampas ko pa siya ulit dahil bumungisngis siya.

Sinuot ko ang shades at kinuha ang nikon kong camera saka sinabit ang strap sa leeg ko. Inayos ko pa muna ang buhok bago siya iniwan at naglakad palabas. Pinaypayan ko pa ang sarili dahil init na init ako.

"Barney, hintayin mo 'ko."

"Ewan ko sa 'yo!" Inis kong sabi. Lalo akong nainis dahil narinig ko ang tawa niya. 

Pagkababa ko ay kami na lang ang hinihintay. Nakita ko pa si Aevan na kumunot ang noo nang makita ang suot ko. Napatingin ako sa katawan niya dahil maganda iyon at mukhang alaga siya sa ehersisyo.

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon