ACE POV
"You have an appointment with Mr. Sy at 3pm," ani Eunice habang inaayos ang blue ties silk necktie ko. Dumako ang paningin ko sa wall clock na may disenyong Red Spider Lily. Napangiwi ako dahil isang oras na lang bago mag-alas tres.
Sabay pa kaming napatingin nang bumukas ang glass door. "Boss," ani Ralph. Napatingin pa siya kay Eunice bago ibalik ang paningin sa akin. "Mrs. Vermez wants to talk to you."
Napaubo ako nang mahigpitan ni Eunice ang necktie ko. "S-Sorry, Boss!" Nauutal niyang sabi at taranta niyang niluwagan ang necktie ko.
Napansin ko ang panginginig niya at parang hindi na alam ang gagawin. Bumuntong hininga ako bago hawakan ang braso niya. Natigil siya sa ginagawa at agad na tumingin sa akin, ginawaran ko siya ng matamis na ngiti at ginulo ang buhok niya.
"It's okay... hide there," utos ko at tinuro ang nakaawang na pintuan. Kulay itim iyon na may disenyong Red Spider Lily Flower sa gilid namin. Nagpagawa ako ng kwarto sa opisina dahil dito na ako natutulog kapag sobrang abala ako.
"Bu—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang pigilan ko siya. "No buts, let me handle this," nakangiti kong sabi.
Tumango siya at ngumiti ng pilit. Hinintay ko siyang makapasok sa kwarto bago ibaling ang paningin kay Ralph. "Papasukin mo, magdala ka na rin ng kape."
Humarap ako sa glass window at tinanaw ang naglalakihang mga gusali habang inaayos ang necktie ko. Marahas akong nagpakawala ng hangin bago umupo sa swivel chair. Tiningnan ko pa ang mga papeles na kailangan kong pirmahan at inumpisahang pirmahan ang iba roon.
"Mr. Serrano." Nahinto ako sa ginagawa nang tawagin ako ng ginang. May kasama siyang lalaki at batid kong asawa niya iyon. Sinenyasan ko silang maupo.
"Ako si Patricia Vermez, Anak ko si Paul," mataray niyang sabi at nakipagkamay pa sa akin. Tumaas ang isang kilay niya na halatang ginuhit lang nang mag-alcohol ako pagkatapos.
"I see, are you here to see Paul? He's busy today," kunot-noong sabi ko at pinagpatuloy ang naudlot kong pagpirma.
"No. We are here to make an offer," anang lalaki. Tumaas ang kilay ko at napatingin sa kaniya. Kakapasok lang din ni Ralph at binigyan kami ng kape.
"You are?" Tanong ko.
"Rodrigo Vermez." Napabuga ako ng hangin dahil nakipagkamay din siya sa akin. Nagkatinginan pa silang dalawa nang mag-alcohol ako ulit. Pagkatapos ay nagpatuloy ulit ako sa pagpirma ng papeles.
Tumikhim ang nanay ni Paul. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Muli akong natigil sa pagpirma ng ipatong niya sa papel ang tseke. Kinuha ko ang tseke na may nakasulat na fifty million, taka ko naman silang tiningnan at nakangiti na sila ngayon.
Umayos ako nang pagkakaupo at tiningnan sila ng masama. "Why are you giving me fifty million, Mrs. Vermez?" Inis kong tanong.
Humigop pa muna siya ng kape bago ako tingnan. "Tanggalin mo ang anak ko sa kompanyang ito. Gusto ko siyang maghirap para bumalik siya sa amin at hiwalayan ang babaeng iyon!" Kumunot ang noo nila nang matawa ako.
"Are you for real?" Natatawa kong sabi. "Do you expect me to do what you ask just because you are giving me millions?" Nakangisi kong sabi. Nagkatinginan pa sila. "Alam niyo bang kaya sumikat ang kompanya ko ay dahil sa kaniya? Magaling mag-manage ang Anak ninyo," dagdag ko.
"Billions then," seryosong sabi ni Rodrigo. Padabog niyang kinuha ang tseke sa Asawa at nagsulat. Pagkatapos ay padabog niyang pinatong iyon sa mga papeles ko. Tatango-tango kong kinuha iyon.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)
Storie d'amoreYou will never chase what wants to stay with you.