CHAPTER THIRTY TWO

227 15 0
                                    


TYRONIA'S POV


Nagising ako dahil sa sakit ng katawan, lalong-lalo na sa ibabang parte ng katawan ko. Napatingin ako sa bulaklak na nasa tabi ko at kinuha iyon. Dahan-dahan akong bumangon at napatingin sa likod ko dahil may yumakap sa 'kin.

"Good afternoon, Barney!" Masayang bati ni Ace. 

Hapon na pala at mukhang nakaalis na sila.

"Anong oras sila umalis, Barney?" Tanong ko. Umupo siya ng maayos at inayos ang buhok ko bago ako halikan sa labi.

"Kanina pang umaga, kumain na muna sila bago umalis," malambing niyang tugon.

Nasapo ko ang noo dahil sumakit ang ulo ko, naparami rin kasi ang nainom ko kagabi. 

"Kumusta ang pakiramdam mo, Barney?"

"Masakit ang katawan ko," agad kong tugon.

Napanguso siya at niyakap ako ulit.

"I'm sorry, Barney... nabigla ang katawan mo," sinsero niyang sabi.

"Hindi ba sumakit ang katawan mo?" Tanong ko pero umiling siya.

"Masaya ako, Barney." 

"Tingin nga," sabi ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at humarap sa 'kin. Hinawakan ko ang baba niya gamit ang hintuturo ko at tiningnan ang mukha niya.

Ngumuso siya at hinalikan ako sa noo.

"Masaya ako... kasi ako ang una mo," nakangiti niyang sabi at pinaliguan ako ng halik sa mukha na para bang iyon ang reward ko nang malaman niyang virgin pa ako.

"Sa 'yo ko lang din ginawa iyon," dagdag niya. 

Kumunot ang noo ko dahil ang aliwalas ng mukha niya ngayon.

"Talaga? Ako rin ang una mo?" Nakangiwi kong tanong na para bang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Ito saka ito lang naman ang ginagamit ko palagi," nakangiti niyang tugon at nagmamalaking ipinakita ang dalawa niyang palad niya.

"Tss... sige, kunwari ay naniniwala ako," sabi ko.

"Promise, Barney... first time ko rin iyon." 

Tatango-tango ako bago ibaba ang paa ko sa kama dahil pupunta ako sa banyo.

Hindi pa man ako nakakahakbang ay bumigay na ang paa ko at babagsak na. Ramdam kong hinawakan ako ni Barney sa tiyan at inalalayan akong makatayo.

Napailing ako at nasapo ang noo dahil sumakit na naman ang ulo ko.

"B-Barney, okay ka lang?" Taranta niyang sabi.

Tumango ako at ngumiti, "Naiihi ako, Barney."

Sumandal ako sa balikat niya ng buhatin niya ako at dalhin sa banyo. Umigting ang bagang ko at naikuyom ang kamao dahil ang sakit ng kabibe ko nang umihi ako. 

"S-Sorry, Barney."

Napatingin ako sa kaniya ng umupo siya sa harap ko, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan iyon. Mukhang nakita niya ang reaksyon ko kanina.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil iyon. 

"I love you," malambing kong sabi bago ko siya halikan.

Sinabi ko pa sa kaniyang maliligo na muna ako. Siya pa ang nag-flush ng pinag-ihian ko. Inalalayan din niya akong maglakad papunta sa shower bago siya lumabas para iakyat ang pagkain namin. 

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon