CHAPTER THIRTY SEVEN

210 15 0
                                    

WARNING: This chapter contains adult language and situations intended for mature readers only. The content could be shocking for young readers and sensitive minds so read at your own risk. It is not suitable for children below 18 years old.


You've been warned.


TYRONIA'S POV


Isang linggo na ang lumipas nang makabalik kami sa Manila. Kasalukuyan kong tinitingnan ang email ko dahil balik trabaho na kami bukas. Tatango-tango pa ako habang binabasa ang schedule ko. Hindi ko makakasama si Barney bukas dahil puro solo shoot ang gagawin ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Barney at nanunuod siya ng movie sa sala. Pagkatapos kong tingnan ang schedule ko ay naglakad na ako papunta sa sala. Umiinom siya ng beer at tutok sa panunuod.

"Ano 'yang pinapanuod mo, Barney?" Tanong ko. 

Umupo ako sa tabi niya at inakbayan naman niya ako.

"Fifty Shades," tugon niya. 

Nagbukas ako ng beer at umayos ng upo. Hindi ko maintindihan ang kwento dahil hindi ko naman naumpisahan.

"Anong kwento niyan?" Tanong ko.

"Hmm... that man, is obsessed with BDSM and is turned on by violent sex," tugon niya at tinuro ang bidang lalaki.

Namilog ang bibig ko at tatango-tango.

"May ganiyang tao pala," mahina kong sabi.

Mayamaya ay umawang ang labi ko nang makita ang ginagawa ng lalaki sa babae. 

"Wow!" Reaksyon ko dahil parang nagustuhan pa ng babae ang ginagawa sa kaniya ng lalaki. Narinig ko pang bumungisngis si Barney.

Napatingin ako kay Barney na tutok pa rin sa panunuod.

"Ganiyan ang mga pinapanuod mo, Barney?" 

Tumingin siya sa 'kin at tumingin sa labi ko.

"Hmm... depende sa mood," tugon niya at hinalikan ang noo ko.

Umayos ako ng upo at hinarap siya. "Nasubukan mo na ba iyan, Barney?"

Mukhang nag-isip pa siya dahil tumingala siya at tumingin sa kisame na para bang doon niya makikita ang sagot. Pagkatapos ay tumingin siya sa 'kin at umiling.

Inubos ko ang beer at nilagay ang bote sa lamesa. Napatingin siya sa braso niya nang hawakan ko iyon.

"Gusto mo bang subukan natin?" Agad kong tanong. 

Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting namula ang tainga.

"I'm n-not like that, Barney... h-hindi ko kailangang gawin iyon para ma-turn on," nauutal niyang tugon at kamot-ulong ininom ang beer.

"Gusto kong subukan, na-cucurious ako, Barney... gawin mo rin sa 'kin iyon," seryoso kong sabi.

Kumunot pa ang noo ko dahil naibuga niya ang iniinom. Mukhang nasamid din siya dahil ubo siya nang ubo.

"B-Barney!"

Nagitla ako ng sumigaw siya.

"What?!" Singhal ko. "Nagulat ako sa 'yo! Bakit kasi sumisigaw," inis kong sabi at hinampas ang braso niya.

"M-Maligo na nga tayo," nauutal niyang sabi.

Inis ko siyang tiningnan dahil tumayo na siya at iniwan ako.

Chasing Trilogy Book III: The Chase is Over (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon