Chapter 16
"Tea?..."
Napalingon ako kay Vienna ng magsalita sya sa likuran ko. Dala-dala nya ang isang tasa habang nakahawak ng libro sa isang kamay. Nakabihis na din sya at nakapusod na ang buhok nya sa likod.
It's still 5 am in the morning. Ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Ang anibersaryo ng pagkamatay ng dalawang mag-asawang opisyal ng Orias noon. Sabi ni Vienna ay gaganapin ang ritwal sa umaga at gaganapin naman ang salu-salu at pagdiriwang sa gabi. Their culture was different. Nagkaroon ng okasyon sa tuwing ginaganap ang araw ng pag-alala sa mga magulang nya. Sinasama kasi nila ang mabuting mga nagawa katulad ng pagligtas sa Orias at ang kabayanihang pinamalas nila. Natuwa ako sa kaisipang malulungkot man sila sa umaga pero mawawala naman iyon at mapapalitan ng saya at pag-asa.
"Ah, s-salamat..." Ngumiti ako kay Vienna na tumabi na sa akin at nagpatuloy sa pagbabasa. Nilapag ko na ang tasa sa gilid ko. Naging abala ako sa paglalagay ng mga likido na ginawa namin ni Vienna sa mga bote.
"I know you doesn't like tea." Napahinto ako ng magsalita sya. Alam nya? Hindi ko naman sya na offend diba?
"That's why I made you another special tea. That one is a herbal tea. Naisip ko kasi na madalas kang sinusumpong ng paninikip ng dibdib."
"Wow! Talaga? Thank you Vienna." Ngumiti ako sa kanya.
"Okay. That serves as my gift for our friendship. I mean, we're friends now right?"
"Of course we are. Akala ko nga ayaw mong makipagkaibigan sa'kin eh."
"Hindi ako yung taong bumabase sa kung ano ka, ako yung tao na bumabase kung sino ka." Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko sa sinabi nya. Alam ko na talaga nung una na mabait si Vienna kahit may pagka attitude sya nung una naming pagkikita.
"But wait, you speak English?" Natawa naman sya at winagayway ang libro na hawak nya sa harapan ko. "Nakalimutan mo na yata na nagbabasa ako ng libro. Hindi naman lahat, sa katunayan nga ay nag-aaral pa rin ako ng mga salita."
Tumango tango naman ako sa sinabi nya. Arrazus has their own language pero malimit lamang nila iyong ginagamit dahil na rin sa pamamalagi nila noon sa Human world. Nasanay na sila sa iilang kultura pati na ang wika ng mga tao. Nakakalungkot lang isipin na nabasag ang matibay nilang pinagsamahan noon.
Napalingon ako sa gilid ng bumukas ang pintuan sa isang kwarto. Lumabas doon si Ash na nakahawak sa isang kutsilyo. Napatigil pa sya ng makita akong nakatingin sa kanya. Agad kong iniwas ang paningin ko at ininom nalang ang tsaa na binigay ni Vienna. Matapos ang eksena namin noon isang araw ay hindi na nya ako masyadong tinitignan. Hindi na rin nya ako masyadong inaasar at kinukulit. Aminin 'kong medyo na guilty ako nung sinabi kong ayokong makipag-kaibigan sa kanya, pero naiinis kasi ako sa kanya. Simula pa lang sa Mundo namin hanggang dito. Ewan ko lang pero feel ko maling lapitan sya. Alam 'kong ako lang ang may atraso sa kanya at nagpupumilit na syang magtanong kung bakit. I am not yet ready to forgive him. Sa tingin ko ay itutuon ko nalang muna ang pansin sa mga nangyayari.
Bumukas ang pintuan at nagmamadaling pumasok si Ofelia. "They are heading to the River. We have 10 minutes to get in there." Nagsitayuan kami at lumabas na sa bahay. Napayakap ako sa sarili ko ng naramdaman ang lamig. Suot suot ko ang scarf na regalo sa akin ni Mama nung Birthday ko. Kapag suot ko kasi ito ay nabibigyan ako ng pag-asa at lakas.
May nakakasabay kaming mga diwata na naglalakad ngunit kakaunti lang sila. Ang karamihan kasi ay lumipad lang papunta sa ilog na gaganapan ng ritwal at paghahandog. Nagmadali kaming maglakad dahil magsisimula na ang ritwal.
Ilang hakbang pa ang lalakarin bago aabot sa isang malawak na ilog na pinalilibutan na ng mga diwata na naka-puti. Lahat kami ay dapat na nakaputi sa umagang ito. Ito ay parte ng paghahandog at kultura ng mga diwata.
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasyNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...