Chapter 31: Leprechauns

2 0 0
                                    

Chapter 31

"Sigurado ka na ayos ka lang?"

Pinahid ko ang luha sa mga mata at tipid na ngumiti sa harapan ni Lewis na kanina pa ako tinatanong 'kong ayos lang ba talaga ako. "Oo ayos lang. 'Wag ka ng mag-alala" tinignan ko ang reaksiyon niya at nakitang hindi pa rin siya kumbinsido. Sabagay, kanina pa naman kasi ako umiiyak na parang baliw dito sa gilid hanggang tumaas na lang ang araw . Mabuti na lang at nandito si Lewis sa tabi ko at pilit akong pinapatahan.

"Kung ang mortal ang inaalala mo, magiging maayos lang siya. Binabantayan naman siya ni Ash." Napahinto ako sa pagaayos ng gamit sa bag ko ng marinig ang sinabi niya.
Binabantayan naman siya ni Ash.

Awtomatiko yata akong napalingon sa gawi ni Ash kung saan kanina pa syang hindi umaalis sa tabi ni Nicole. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya at ang matinding pag-alala. Minsan nasusulyapan ko siyang hinahawi ang buhok ni Nicole na hanggang ngayon ay wala pang malay.

Iniwas ko ang mga mata sa kanila dahil hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang titigan sila ng ganun ng matagal. Parang sumisikip lalo ang dibdib ko at mawawala ako sa pag-iisip. "Patrice." Napalingon kaming dalawa ni Lewis ng marinig namin ang malamig na boses ni Ofelia sa likuran namin. "Uh, Lewis pakisabi na kay Ash na aalis na tayo." Tumango naman si Lewis ngunit lumingon muna siya sa akin bago nagsimulang maglakad papunta kay Jack na hinahanda na ang karawahe na sasakyan namin.

"I don't know why she's here actually..." Narinig ko ang boses ni Ofelia na nakatingin na pala kay Nicole na nasa loob ng karawahe. "K-kilala mo siya?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya kaya napatango siya ng dalawang beses bago salubungin ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya. "Tatanungin lang kita Patrice." Nagsimulang huminahon ang boses niya habang nakatitig na sa akin.

"Are you sure, ikaw lang ang nakapasok sa portal papuntang Arrazus?"

"Iyon din ang palaisipan sa akin ngayon. Ang sabi niyo nasara na ang portal sa oras pa lang ng pagtapak ko sa mundong ito. Sigurado ako, wala akong ibang kasama nung makapasok ako dito."

"Isa sa mga tauhan ng kaharian ang nakaligtas ng manlaban siya. Sigurado akong nakakasumbong na yun sa kaharian nila at hinahanap na siya." Lumingon ako ng isang beses kay Nicole bago hinarap ng mabuti si Ofelia. "I know her. Please, hindi natin siya dapat ipahuli sa mga kawal. Kung pwede ay isasam—"

"That girl can destroy our plans. We can protect you Patrice. Pero hindi yata namin makakayang itago ang isa pang mortal sa mundong ito. My father succesfully broked the Laws between Fairies who doesn't have wings but not the Humans in our world. Hanggang ngayon, mainit pa rin sa mga mata sa mundong ito ang mga tao na nakakapasok sa Arrazus. It was strictly forbidden Patrice. Sa ngayon sila ang mga kalaban natin. Ang mundong ito ang kalaban natin."

"What?! Isa rin siyang mortal kagaya ko Ofelia. Wala syang alam kung nasaan siya. If you can't protect her then I'll do it! Hindi ko alam kung paano siya napunta sa mundo niyo pero isa lang ang alam ko, inosente si Nicole. Wala siyang alam." Hindi ko na napigilan ang magprotesta sa harapan ni Ofelia ng maintindihan kung anong gusto niyang gawin. Naguguluhan ako. Gusto niyang ipadakip nalang namin si Nicole tapos ako hindi? It doesn't even make sense!

"Nicole!"

Napunta ang atensyon namin kay Ash ng gulat siyang mapasigaw sa pangalan ni Nicole ng makitang gisng na ito. Nagkagulo ang lahat. Agad na tumakbo si Vienna at sinuri ang kalagayan ni Nicole.

Nilingon ko si Ofelia at pinulot ko ang bag sa gilid. "Kahit na gawin mo ang gusto mo, hindi ka pa rin papayagan ni Ash." sabi ko bago ako naglakad at iniwan siyang nakatulala at tinitignan akong naglakad.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon