Chapter 22
"Patrice? Shit, anong ginawa nila sayo?"
Mas lalo akong binagsakan ng kahihiyan ng makitang nakakunot na ang noo ni Ash habang nakatitig sa'kin. Nakatayo na pala ako ngayon sa harapan nilang lahat at iniwan na ako ng mga kawal.
"Patrice, Ayos ka lang?" Narinig 'kong tanong ni Vienna na ngayo'y nag-aalalang nakatingin rin sa'kin. Binalik ko din ang mga nagtatakang tingin sa kanila. Akala ko may masama ng nangyari sa kanila. Bakit sila nandito at nakikikain sa prinsipe gayo'y kanina lang ay mga bihag pa kami?
"H-hey,"
Tinaas ng prinsipe ang kanang kamay na para bang tinatawag ako. "What's your name again? Patty? Porshia? Whatever, pwede ka ng umupo dito kasama namin." Tinapik nya ang nakabakanteng upuan sa harapan nya kaya wala akong nagawa kundi ang umupo nalang din kasama sila.
"So, since kumpleto na tayo ngayon, makakapagpatuloy na tayo sa pagpupulong." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa Prinsipe. Napansin yata iyon ni Vienna kaya hinawakan lang nya ng mahigpit ang kamay 'kong di mapakali.
"Patrice, ayos ka lang ba talaga?"
Lumingon naman ako sa kanya at pilit na ngumiti. "N-nagtataka lang ako. Anong nangyari? Bakit sa isang iglap ay pinakawalan tayo ngayon?"
"Hindi ka ba masaya?" Natatawa nyang bulong kaya napailing agad ako. "H-hindi no. I was just wondering.."
"Nagpakilala si Ofelia bilang Prinsesa ng Hymrough. Nabanggit nya sa amin na nagkita na sila noon ng ikalawang prinsipe ng Castelene dahil sa mga pagpupulong. Binantaan nya ang Prinsipe na sasakupin ang kaharian ngayon din kung hindi nya tayo tutulungan." Nagtataka naman akong lumingon sa Prinsipe na mahinhing kausap si Ofelia.
"Ano? Paano nagawa iyon ni Ofelia? I mean, bakit sumunod ang prinsipe sa kanya?"
"We learned a secret. Hindi pantay pantay ang turing ng Hari at Reyna sa dalawang prinsipe. Para sa kanila ay mas maaasahan ang unang prinsipe na lagi nilang dinadala sa mga okasyon at pagpupulong." Nilingon nya ang prinsipe at pasimpleng lumapit pa sa'kin upang bumulong.
"... Ang ikalawang prinsipe ay tinuturing nilang walang kwenta at pabigat. Siya lagi ang iniiwan sa kaharian kapag umaalis ang pamilya. Wala syang nagawa kundi ang sumangayon kay Ofelia sa takot na atakihin ang kaharian at masisi sya sa lahat." Napahawak ako sa bibig sa gulat ng marinig ang sinabi ni Vienna sa akin. Hindi ko alam kung paano nila 'to nalaman pero ang importante ngayon ay ang buhay ng prinsipe na naging masaklap noon pa man. Sumisigaw ang kalahati ng puso ko na 'wag nalang syang hingan ng tulong at umalis nalang kami sa kaharian nila dahil sa awa pero wala din akong magagawa. Nandito lang ako upang mabigyan ng tulong. Hindi ako narito upang magdesisyon."Wait, I'm not doing this because I'm under in you. Ginagawa ko lang to para sa Castelelene. Kahit prinsipe ako ay wala akong sapat na kapangyarihan. Ayokong maging sanhi ng kaguluhan between Castelene and Hymrough." Napalingon ako sa Prinsipe ng magsalita sya. Kung gayon ay tama nga ang sinabi ni Vienna tungkol sa kanya. Ang gusto lang nya ay kapayapaan at walang gulo na mangyayari kaya nya kami pinagbibigyan.
"Hindi naman talaga namin intensyon na gawin ito Lewis. Just so you know, kailangan namin ito at ikaw lang ang makakatulong sa amin." Nagsalita si Ash na nasa kabilang upuan. Hindi ko maitanggi ang tensyon sa pamamagitan nila. Prinsipe sa Prinsipe.
"Alam ko. Hindi ko nga lang kayo mapagbibigyan kapag umuwi na sina Ama at Ina rito."
"Kaya nga nandito tayo upang pag-usapan ang bagay na iyon diba? Hindi naman ito ganoon ka bigat Prinsipe. Alam 'kong may rason kung bakit kami napadpad sa Castelene" nakakurba ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Ofelia na prenteng nakasandal sa magarbong upuan katabi ko.
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasyNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...