Chapter 58: Advance

2 0 0
                                    

Chapter 58

"Ama, sinasabi ko sa inyo. Dapat hindi kayo basta-basta nalang naniniwala!"

"Huwag ngayon Calliope. Marami pa akong kailangang tapusin." Sinulyapan muna sya ng hari bago ito prenteng umupo sa kanyang opisina upang tapusin ang trabahong nasimulan bilang isang hari.

Halos mapasabunot naman si Calliope sa kanyang buhok ngunit iniiwasan lamang dahil baka masira ang maganda nyang palamuti sa ulo.

"Ama, makinig kayo sa'kin."

Hindi nagpatinag si Calliope at sinundan pa rin ang Ama kahit naka-upo na ito ng maayos.

"Bakit hindi mo tanungin ng maayos si Kuya Ash upang malaman mo lahat? Sigurado na ako sa hinala ko."
Napaangat ulit ang mga mata ni Haring Silvano ngunit agad din nyang binalik ang paningin sa ginagawa.

"Calliope hindi ako makakayang traydurin ni Ash. Si Ofelia pa, pwede." Napailing-iling agad sya sa isiping may binabalak na hindi ka-aya aya ang kanyang pinagkakatiwalaang  anak.

"Why don't you observe him? The way Ash look at Patrice? It's different!"

"Tumigil ka na nga at tulungan mo na ang iyong ina doon upang maayos na lahat pagkaalis nyo mamaya."

"Ama binabalaan na kita. Maniwala ka sa akin." Desperado na si Calliope na maniwala ang Ama sa hinala nya pero napatingin lamang sa kanya ang hari at napahinga ng malalim.

"Naiintindihan ko ang pag-aalala mo sa akin pero hindi ako makakapayag na madamay kayo dito kasama ng mga kapatid at ina mo. Laban ko ito Calliope. Labas na kayo dito."

Marahan niyang tinapik si Calliope sa balikat bago ito yumuko sa ginagawa. Naiwan namang nakaawang ang bibig nya at hindi makapaniwalang hindi nya nakumbinsi ang Ama sa hinala. Napahinga nalang sya ng malalim at dahan-dahang pumunta sa may pintuan.

"Sabihin niyo lang sa akin kapag tapos na kayo at ipapatawag ko na ang karawahe." Napatigil si Calliope at napalingon sa dinagdag ng Ama nya, hindi pa rin sya nilingon.

"Kailangan ba talaga naming umalis? Nagtitiwala naman kami sa'yo Ama." Halos magmakaawa na ang boses nya.

"Hindi sapat ang tiwala mo upang masabi 'mong ligtas tayo Calliope. Ilang araw nalang at mawawasak pansamantala ang Hymrough. Hindi ko hahayaang madamay kayo. Ayokong maging istorbo kayo sa mga isipin ko." sagot nito ng may mahinahong boses. Matagal syang napatitig sa Ama dahil sa sinabi nito.

"Ayokong mawala si Kuya Ash sa atin Ama. Gawin nyo po sana lahat upang manatili sya..." Ngumiti sya ng mapakla bago yumuko at tahimik na lumabas ng silid.

Dahan-dahan namang napaangat ang tingin ng Hari habang pinag-iisipan ang sinabi ng anak. Sa isip nya ay hindi na sya dapat pang paalalahanan ng anak, dahil noon pa man ay matagal na nyang pinaghandaan ang panahong ito.

**

Ofelia's POV

"Naghihintay lang ang lahat, nagmamasid kung kailan sila aatake."

Inangat ko ang tingin ko at nakitang nakatingin ng seryoso sina Lewis at Ash sa mapa na hawak-hawak ko ngayon.

"Bakit ba walang magpapatalo sa kanila? Kailangan talaga ng laban?" Napakamot ng ulo si Ash matapos ng ilang segundong pagtitig sa mapa na alam ko namang hindi nila naiintindihan.

"Alam mo, exciting nga to e. Magagamit ko na naman ang kapangyarihan ko!" Tumawa si Lewis pero tinignan lang sya ng masama ni Ash.

"O? Bakit?"

"Yabang mo a, porket may kapangyarihan ka!"

"Hindi kasi ako magpapakamatay para sa isang babae." Nang-aasar na sambit ni Lewis na mas lalong kinasama ng tingin ni Ash. Napaikot nalang ako ng mga mata at sinubukang ituon muli ang atensyon sa mapang hawak ko.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon