Chapter 6 : Can't ran away

5 0 0
                                    

Chapter 6

" Isang taon nalang at magkokolehiyo ka na diba Patrice?" Inangat ko ang mukha ko at nakita ang nakangiting mukha ni Mama habang kumakain. Kung gaano sya palangiti at mabait noon, ganon parin ngayon at walang pinagbago. I wonder kung paano nya nagawang ngumiti ng ganito inspite of all her problems?

"Ah, opo. Konting tiis nalang talaga at makakapag-trabaho na ako." Nginitian ko din sya pabalik at itinuon ang atensyon sa pagkain na kaharap ko lang.

"Ano namang gusto mong kuning kurso? May gusto ka bang maging someday?"

"Of course ma. Gusto ko pong maging pulis kung papalain."

I saw how she excitedly nod when she heard what I've said. Noon ko pa talaga maging pulis simula 'nung bata pa ako. I don't know. Feel ko kasi parang kumportable ako kapag maging pulis.

"Oh? Bakit naman iyon ang naisipan mong maging trabaho? Marami namang bagay sayong iba dyan. You can be a Fashion designer or a Doctor if you want." Natawa ako ng bahagya ng banggitin nya iyon.

"Ma, it's too girly. Ang cool lang kasi pag ang babae maging pulis diba? tsaka I want you to be protected. Hindi ako makakapayag na gawin nila ulit ang ginawa nila kay Papa. I won't allow them to hurt you. And besides, gusto ko ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Papa." Nakita ko ang unti-unti nyang pagbaba ng kutsara na isusubo nya sana sa bibig nya.

Nakatitig sya sakin ng matagal at hindi ko mabasa ang ekspresyong nasa mukha nya. "Patrice..."

"What? You don't want me to be a police?"

"N-no! It's not like that. Of course I'm always here to support you no matter what. " Napangiti ako ng sabihin nya yun. "...but  we can't fight them when we are just two. We are too weak. They're powerful, merciless and they can do what they want." Nawala agad ang kaninang nakarehistro na ngiti sa mukha ko. Napalitan ito ng kunot ng noo at gulo. Powerful? Sino ba kasi ang pumatay noon kay papa at nanggulo sa amin? Presidente? Mafias?

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon