Votes and comments are higly appreciated, Thank youu :>
Chapter 34
Ilang segundo yata kaming ganoon sa gitna ng bumubuhos na ulan.
Nakahawak siya sa pisngi ko at nakatingin ako ng mabuti sa mga mata niya na para bang magnet ang mga mata niyang hinihigop ang paningin ko. Hindi na namin alintana ang malakas na ulan na dumadampi sa mga balat namin. Nanatili kaming nagkatitigan sa ganoong posisyon. Nagugulahan, nagtataka at nagugulat ang puso ko sa mga segundong ito. Nanghina na ng tuluyan ang tuhod ko at hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan.
"Ash!"
Isang sigaw ang agad na nagpagising sa aming dalawa ni Ash sa katotohanan. Nabitawan niya ang pisngi ko at napayuko ako sa hiya. Isang mabilis na yabag ng mga paa ang dumirecho sa gawi namin. Kahit hindi ko tignan, alam ko na agad kung sino iyon. "Nic?" Nag-angat ako ng tingin at nakita syang basang-basa na din kagaya namin. Nagpalipat lipat pa ang mga tingin niya sa aming dalawa ng may pagtataka.
"Kailangan kayo doon. Nag-aaway sina Ofelia at si... Jam? Jay? Basta!" Nanlaki ang mga mata namin ni Ash at agad na tumakbo papunta sa kinaroroonan nilang lahat. Bumalik ang kalabog ng puso ko. Anong ginawa ni Ofelia?!
***
Ofelia's POV
"Required ba talagang may kasamang ulan ang kidlat mo Lewis?" Inis na inis 'kong buwal ng mapahinto kami sa paglalakad sa gitna ng Village ng Thelatta ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na hindi ko alam kung bakit ngayon pa talaga bumuhos. Nung una na umulan ay natigil kami sa dapat na gawin at 'wag naman sana itong mangyari ngayon din.
"Kasalanan ko ba kung susuportahan nila ang kidlat ko? Ganon naman talaga diba? Kapag kumikidlat, uulan pagkatapos."
"Ay, sorry ha, nakalimutan ko kasi." Sarkastiko 'kong salita sa kaniya pero sinuklian niya lang ako ng malakas na tawa sa gitna ng ulan. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa umabot kami sa pinakadulo ng Village. "Asan sila?" Biglang tanong ni Jack na nagpahinto sa aming lahat. Teka? Asan nga ba sina Ash, Patrice at Vienna?
"Umalis lang si Ash. Babalikan niya daw sina Patrice sa kabilang eskinita." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang babaeng kinahuhumalingan ni Ash noon. Si Nicole. Yakap-yakap niya ang sarili ay tahimik din pala siyang sumusunod sa amin. "Bakit ba ang tagal nila? Aalis na tayo ngayon din!"
"Teka, Aalis na tayo ngayon?" Tinignan ko ng masama si Lewis ng bigla siyang magsalita sa likuran ko. "Nakikita mo ng nasa dulo na tayo ng Village, ano pa ba sa tingin mo ang ginagawa natin dito? Maliligo ng ulan?" Inis 'kong bunton sa kaniya pero ngumiwi lang siya na parang bata.
"Hindi dapat tayo aalis ngayon din. Galing pa tayo sa laban." Kumunot ng todo ang noo ko ng marinig ang tinig ni Jack sa gilid ko. Napalingon ako sa kaniya pero walang naging ekspresyion ang mukha niya. "Galing sa laban? So what? Kailangan na nating umalis."
"Sugatan ka prinsesa, at sa tingin ko hindi pa titila ngayon ang ulan." Biglang kumalabog ng malakas ang puso ko sa sinabi niya, pero agad din iyong napalitan ng inis na hindi ko alam kung bakit at saan nanggaling. "I don't care if may sugat ako! Hindi pa ako mamamatay, tsaka ulan lang 'to, Hindi to makakapilay sa atin kaya pwede ba?"
"Wala kang pakialam sa sarili mo pero isipin mo ang sarili ng iba. Lahat yata tayo ay sugatan. May kasama pa tayong mga tao. Hindi dapat tayo sugod ng sugod. Wala na tayong sapat na armas. Hindi tayo mamamatay sa ulan pero mamamatay tayo ng walang laban." Literal akong nagulat sa biglang pagtaas ng boses niya kahit alam 'kong tahimik naman siya dati pa. Napahinto ako at sinalubong ang naiinis niyang mga mata. "Anong gusto mong gawin? Hihinto nanaman tayo? We've waisted several times already! Wag mong sabihing tutunganga na naman tayo?" Lumapit ako sa kaniya at wala na akong pakialam kung nakatingin man si Lewis at si Nic sa aming dalawa. Wala na akong pakialam kung mahalata man nilang may kakaiba sa aming dalawa dahil nilamon na ako ng galit sa oras na ito.
"... Wag ka ng magdrama na alam mo lahat Jack? Marami na kaming napagdaanan bago kami mapunta dito. Marami na kaming nasayang na oras at hindi ba nandito kayo ngayon para tulungan kami? Hindi mo alam kung bakit namin to ginagawa! Hind—"
"Bakit mo nga ba 'to ginagawa Ofelia?"
Napaatras ako ng marinig ang boses niya na tinawag ang pangalan ko. Tinawag niya ang pangalan ko sa unang beses matapos ang ilang taong nagdaan. Ang mga mata niya. Napuno ng galit, sakit at lungkot na hindi ko maintindihan kung bakit nagsisimulang tumagos sa puso ko. Nasasaktan ako kung paano niya ako tignan ngayon. Malayong malayo sa kung paano niya ako tignan noon.
"Hindi ka ba talaga nag-iisip? Palibhasa, iniisip mo lang lagi ang sarili mo kaya ganyan!" Napaatras pa ako ng lumapit siya ng mabuti sa akin at tignan ako ng direcho sa mga mata na puno ng poot. "Jack" narinig ko ang saway ni Lewis sa likuran namin pero hindi na siya pinansin ni Jack. Sa halip ay nanatili ang mga mata niya sa akin.
"Alam mo bang hindi ko binalak isali ang nakaraan natin noon? Sa halip nga ay gusto pa kitang patawarin. Nag-timpi ako kahit gustong-gusto na kitang tanungin at singilin sa mga ginawa mo noon sa akin Ofelia! Nanahimik ako kasi akala ko nagbago ka na!"
Bumuhos ang luha sa mga mata ko ngunit nanatili akong matapang at sinalubong ang mga nakakamatay niyang mga tingin. Sa unang beses, nanghina ako. Nanghina ako kasi isang malaking sampal sa akin ang mga sinasabi niya. Sumisikip na ang dibdib ko at hindi ko aakalaing mararamdaman ko ulit ito pagkatapos ng nagdaang mga taon. "Akala ko hindi na ikaw ang Ofelia na sumira sa akin noon. Akala ko hindi na ikaw ang Ofelia na makasarili at hindi nag-iisip ng kapwa. Pero mali ako... maling-mali ako kasi ikaw pa rin pala iyan. Yung Ofelia na walang ginawa kundi ang piliin ang sarili niya." Humina ang boses niya ngunit naroon pa rin ang boses ng galit at panghihinayang.
"W-wala kang karapatan na pagsalitaan a-ako ng ganyan... W-wala kang alam!"
"Wala akong alam? Dyan ka nagkakamali kasi alam ko lahat. Wala kang pakialam kung nasasaktan ang ibang tao dahil para sa'yo ang gusto mo lang ang masusunod. Alam ko lahat kasi ginawa mo na rin iyan sa akin. Wala kang utang na loob dahil Ginawa mo akong tanga!" Hindi na maawat sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Alam 'kong may kasalanan ako. I know I deserved everything pero bakit ganito? Bakit ganito kasakit ang malaman mismo sa taong minsan ko ng minahal ang mga kasinungalingan noon?
" Alam mo? Hanggang ngayon natatawa parin ako sa mga nangyari noon, kung paano ako nabaliw sayo kasi hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako kung bakit minahal kita. Nagsisisisi ako sa sarili ko kung bakit nagmahal ako ng isang—" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at agad 'kong hinablot ang espada sa bewang ko at akmang isasaksak sa dibdib niya ng may biglang humawak sa kamay ko para pigilan ako.
"Ofelia! What the hell are you doing?!" Napalingon ako at nakita si Ash na galit na nakatingin sa akin. Lumingon ako sa paligid at nakita si Vienna na kanina pa palang nandito. Si Nic na hinihingal na parang galing sa pagtakbo, si Lewis na hinahawakan na ang balikat ni Jack at si Patrice na nakahawak sa braso ko. Kahit nanlalabo na ang paningin ko sa kakaiyak, alam kong nakatitig silang lahat sa akin.
Humalo ulit sa tubig ulan ang walang tigil sa pagbuhos 'kong mga luha bago ko dahan-dahang binitawan ang espada at bumagsak sa maputik na lupa. Namanhid ang buong katawan ko at nanginig ang mga tuhod ko. Sumisikip na ang dibdib ko at hindi ko na yata kakayanin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bumitaw ako kay Ash at dahan-dahan akong naglakad paatras habang walang humpay parin sa pagpatak ang mga luha ko. Lumuwang ang pagkakahawak ni Patrice ngunit naramdaman ko ang pag-aalala ng mga mata niya. "Ofelia..."
Napailing-iling ako at habang lumalabas ang mga pakpak ko sa likod. Ng mailabas iyon ay hindi na ako nagdadalawang-isip na lumipad sa malayo. Sa malayo kung saan wala ng mananakit sa akin.
*GuessYourWrite
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasyNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...