Chapter 3 : Chest pain

7 0 0
                                    

Chapter 3

"Vanilla? Mocha ang favorite 'kong flavor eh. Sayang!"

Agad 'kong hinagisan ng sandok sa mukha si Lyra ng magsimula na naman syang magreklamo tungkol sa biniling cake ni mama para sa birthday ko. "Ang OA mo talaga no? Bakit ikaw ba magbibirthday ha?" sigaw ko naman sa kanya habang hinahalo ang specialty ni Mama na Macaroni.

Kanina pagkalabas ko ng clinic ay agad akong sinalubong ni Lyra dala-dala ang bag ko. Todo reklamo pa nga sya dahil sobrang bigat daw ng bag ko, eh notes lang naman ang laman. Oh diba? Ganun sya ka bait. Pagkatapos nya akong ipahamak ay pumunta pa sya dito sa bahay namin para daw magcelebrate ng Birthday ko. Ang kapal nga nya eh. Wala man lang syang dinalang pagkain pero kung makareklamo wagas.

"Tama na nga yang away nyo, kanina pa yan simula 'nong dumating ka Lyra." Biglang sumulpot si Mama dala-dala ang mga pagkain na niluto nya. Tinulungan naman agad sya ni Lyra na ilagay iyon sa mesa. I rolled my eyes intensely. Malamang, kakain na eh.

Matapos 'kong halo-halo in ang macaroni ay nilagay ko na ito sa mesa. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumanta ng Happy Birthday song para sakin.

"Happy Birthday, Happy Birthday, Happy birthday to you. Dali! Make a wish!" nakangiting sabi ni Lyra sakin. Napalingon naman ako kay Mama na naiiyak pero nakangiti sakin. Pinikit ko ang mga mata ko.

Lord, unang - una salamat dahil binigyan nyo ako ng mabuting Ina at topaking best friendSayang nga lang Wala si Papa para matuklasan ang pagiging 18 ko. Dapat nandito sya eh, dapat sumasayaw kami ngayon kasabay ang bilog na buwan. Sana lang, makamit ko ang hustisya kung bakit sya nawala. Sana mapaghiganti ko sya sa mga pumatay sa kanya.

Kasabay ng pagmulat ko ay ang pagtakas ng mga luha sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahid at niyakap sila. "Thank you po." Niyakap naman nila ako at hinaplos ni mama ang buhok ko.

"Ay ano ba yan! Daming drama, masisira ang make-up ko." Imbes na sagutin si Lyra ay nagtawanan nalang kami at nagsimula ng kumain.

Masaya ang naging gabi ko kahit hindi namin kasama si Papa. Namatay kasi sya noong bata pa ako, at hanggang ngayon at 'di ko alam kung bakit nagagalit ako ng sobra sa mga pumatay sa walang kalaban-laban 'kong Papa. Hindi ko man personal na nasaksihan at parang nadarama ko parin ang sakit at galit nito kapag nagkwekwento si Mama.

Nagulat ako ng biglang bumagsak ang hawak na tinidor ni Mama at lumikha ito ng ingay sa babasaging plato.  Napatingin ako sa kanya at halos mamutla sya sa gulat at takot habang nakatingin sa kanang kamay ko. Sinundan ko naman ang tingin nya at nakitang sa suot 'kong bracelet sya nakatingin. Umiilaw na naman kasi ito gaya 'nong una.

Agad 'kong tinago ang kamay ko sa likuran ko kaya parang natauhan sya. "Mama? May problema po ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Ah- W-wala lang to. May nakain lang akong paminta. Sige na, magpatuloy ka na sa pag kain."biglang kumalma ang mukha nya at pilit na ngumiti sakin. Tinignan ko naman sya ng nagtataka bago bumalik sa pag kain. Siguro nga baka nagulat lang din sya na may bracelet ako 'nong umuwi sa bahay.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon