Chapter 43: Hello hate, goodbye

3 0 0
                                    

Chapter 43


Unknown sideDark Kingdom

Arrazus


Third person's POV

"Tatangapin po namin ang iyong parusa mahal na reyna, kahit ano po."
Nauutal na salita ng isang alagad habang nakaluhod sa harapan ng kaniyang tinitingalang reyna sa madilim nitong trono.

Dahan-dahang napalingon ang reyna sa tatlong nakaluhod niyang mga alagad at bumaba sa kaniyang trono ng mahinhin. Ang kaniyang suot-suot na mabalahibong kapa ay sumasayad sa marangyang sahig na dinudugtungan ng kaniyang mataas na buhok at malaporselanang kutis. Ang mga alahas na gawa sa mga dyamante ay kumikinang at lumilikha ng maliliit na tunog kapag siya ay gumagalaw.

"Ano ngang sinabi mo Cahil?"malambing niyang usal ng makarating siya sa harapan ng dalawang alagad na kasama ni Cahil. "H-hindi na po namin uulitin. S-sisiguraduhin...po namin na makuha ang babae at m-madala dito mahal na reyna.."sagot ng isa na nanginginig pa habang nakayuko at nakaluhod ng mabuti sa sahig.

"Ikaw na pala ngayon si Cahil? Ang tinatanong ko ay si Cahil kaya manahimik ka!" Sigaw niya at pinatawan ng masamang tingin ang alagad na sumabat sa kaniya. Walang nagawa ang alagad at manahimik habang kinikimkim ang takot sa loob niya.

"Mahal na reyna..." Nakayukong bulong ni Cahil. Napangiti ang reyna hanggang sa unti-unti na itong naging nakakakilabot na halakhak. Tumalikod siya ngunit patuloy pa rin sa pagtawa na para bang may nakakatawang bagay sa kaniyang harapan. "Alam niyong hindi kayo ganito katakot sa akin kapag ginagawa niyo lamang ang pinapagawa ko hindi ba?"

"Patawad..."

"Patawad, pang-ilang beses na yata iyang umalingawngaw dito kapag naghahatid kayo ng balita."

Pinagmasdan niya ang tatlong nakaluhod tsaka siya bumuntung-hininga at ininom ang nakahandang ubas na alak sa katabing mesa.

"Mabuti na lamang at may panangga ako ng mga palpak niyo." Ngumisi siya at nilapag ang hawak na baso. "Huhudyat lamang siya kapag nakuha na ang mortal. Inaasahan ko na gagawin na ninyo lahat upang matulungan siya. Malapit ng magunaw ang Arrazus, hindi ako makapapayag na wawasakin lamang ng prinsipeng iyon ang lahat ng aking pinaghirapan mula pa sa una. Naiintindihan niyo ba?"

Nanginginig na tumango ang tatlong nakaluhod. "NAIINTINDIHAN NIYO BA?!"

"Naiintindihan po namin mahal na reyna."

"Ngayon umalis na kayo at maghanda! Ihanda ang mga sinanay ng ilang buwan na mga hukbo! Sisiguraduhin 'kong mawawasak ang buong Arrazus at maririnig lamang ay ang kanilang pagtangis!"Makapangyarihang humalakhak ang kanilang reyna habang inilalarawan sa isip ang mga plano upang mapabagsak ang mga kumakalaban sa kaniya.

"Sisiguraduhin ko ang iyong pagkatalo Silvano, gaya ng pinaramdam mo sa akin noong hindi ako ang pinili mo.." Bulong niya sa hangin kasabay ng pagtiklop ng kaniyang kamao.

***

Patrice

"We need to talk."

Napatitig ako sa kaniya ng ilang mga segundo dahil pilit ko pang kinakalma ang sarili ko, ni hindi ko nga alam kung bakit paggising ko nandito na siya sa loob ng silid ko. Teka, kanina pa ba siya rito at pinapanood ang pagtulog ko?

Natigil ako sa pag-iisip ng bigla siyang umalis sa pagkakasandal sa gilid at lumapit sa akin. Napaatras ako ng yumuko siya. "Umalis kana. B-baka masugatan ka pa." Nagulat ako ng magsimula siyang kunin ang mga bubog na nasa kamay ko. "Hindi okay lang. Kaya ko na 'to."

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon