Chapter 27
"Bakit kasi hindi nalang tayo lumipad? Nagsasayang lang tayo ng oras."
Tahimik akong napalingon kay Ofelia ng magsimula syang magmaktol dito sa loob ng karawahe kung bakit hindi nalang daw sila lilipad. Medyo sumang-ayon naman ako sa sinabi niya dahil mas mapapabilis nga silang makakaabot sa kaharian ng Hymrough kung gagamitin nila ang pakpak ngunit nung una pa lang ay sinuway na siya ni Ash dahil hindi naman daw kami makakalipad gaya nila. Natawa nalang din ako dahil halata nga kay Ofelia ang determinasyon na makapunta kami sa mas lalong madaling panahon sa Hymrough. Lalo na ngayong marami na agad humadlang sa amin at kinailangan pa naming tumigil dahil sa lakas ng ulan kanina.
Ilang oras ang lumipas ng unti-unti ng tumigil ang pagbagsak ng malakas na ulan ngunit nanatiling makulimlim ang kalangitan. Mananatili pa sana kami ng mga iilang minuto sa silungan na pinuntahan namin dahil sabi ni Jack ay maputik at lubak lubak daw ang daan pero nagulat kami ng bigla siyang kontrahin ni Ofelia at nagsimulang magreklamo dahil masyado na daw silang nagsasayang ng oras. Sa huli, ay napahinga nalang ng malalim si Jack na mukhang pinipigilang makasagutan si Ofelia kahit halata namang may bahid ng pagkainis sa loob niya. Wala din naman siyang magawa sa isang prinsesa ng Hymrough kundi sundin ang gusto nito.
"Buwan ang aabutin kapag dadaan tayo sa tamang daan papunta sa Hymrough. Talagang araw din ang lilipas kapag dadaan tayo sa madaling daan na sinabi ni Jack." sabi ni Vienna sabay inom ng tubig na nakalagay sa isang bote pagkatapos kumain ng mga ubas na kinain nila ni Ofelia kanina.
"Thelatta ang madadaanan nating Village na sakop ng Castelene. Hindi ko alam, baka hihinto muna tayo doon." Patuloy pa ni Vienna na kinakunot lalo ng noo ni Ofelia na nakatingin sa nadadaanang mga kahoy sa paligid.
"Naiinis ako kung bakit parang sobrang layo ng Hymrough dito? Minsan naiisip ko kung pinaglalaruan ba tayo ng tadhana? I hate this! I hate wasting times!" Tinaas niya pa ang dalawang mga balikat na para bang talagang nagugulahan sa nangyayari. Pinigilan ko nalang ang pagngiti ko dahil kagat kagat ko na ang labi kong nakasilip sa labas ng karawahe kung saan patuloy kami sa pagtakbo sa masukal na daan.
"Kamahalan, kalma. Makakarating din tayo doon." natatawang sambit ni Vienna ngunit pinagtaasan lang siya ng kilay ni Ofelia na parang ginawa lang katatawanan ang naging reaksiyon niya.
"Kayo lang ba talaga ni Ash ang magkapatid o may iba pa kayong kapatid?" Hindi ko alam pero bigla iyong lumabas sa bibig ko ngunit makatitig pa rin ako sa labas.
Napatigil sa pag halungkat si Vienna sa dala niyang bag at naaninag ko namang napalingon si Ofelia sa akin ngunit agad ding binalik ang tingin sa labas kasabay ng mahabang pagbuntong hininga.
"Bata pa ako ng mamatay si Ina. Kakapanganak pa lang niya kay Ash noon. Kaya talagang kami lang ni Ash ang tunay na magkadugo..." unti-unti akong napalingon sa kaniya ng magsimula siyang magsalita. Kahit si Vienna ay napabagsak ang kamay at gulat na napatingin sa kaniya.
"Pero agad ding nakahanap si Ama ng mapapangasawa at ipinalit kay Ina. Bago ako pinatapon sa gubat noon ay nasaksihan ko ang paglaki ng kambal na babae kong kapatid sa Ama. Sina Calliope at Iris." Tuluyan akong napatitig sa kanya ng tipid siyang ngumiti sa kawalan. Malay namin kung isa sa mga dahilan ng kagustuhan niyang makabalik agad sa Hymrough ay dahil gusto na niyang makita ang dalawang kambal niyang kapatid.
"Apat na taon lang ang agwat namin kaya malalaki na rin iyon ngayon. Bago ako umalis sa amin ay buntis na ang asawa ni Ama noon na si Reyna Elisha sa aking bunsong kapatid na babae. Nakakalungkot lang na hindi ko siya nasilayan nung pinanganak siya."
"S-si Ash lang ang lalaki sa inyo?"
Napalingon siya sa akin at bahagyang tumango ngunit kumunot ang noo ko ng bigla din siyang umiwas ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasyNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...