Chapter 24: Kicked

2 0 0
                                    

Chapter 24




"P-prince Lewis?.."

Sa hiya ko ay agad akong napalayo sa kaniya. Agad din naman akong binitawan at inayos ang suot niya. "Calling me Prince is too formal. You can call me Lewis." Ngumiti siya sakin kaya sinuklian ko narin siya ng ngiti.
Malayo layo pa ang silid na pupuntahan ko kaya nagsimula na akong maglakad habang hindi na matigio ang kaba sa buong sistema. Prinsipe siya kaya dapat maghunos dili ako sa pagsasabi ng mga salita kahit mabait naman siya sa amin.

"Gusto mo ng magpahinga? Umaga pa naman. You can roam around the kingdom." Naramdaman kong sumunod siya sakin kaya binagalan ko na lang ang paglalakad ko.

"Ah, wag na po. Hindi magandang makikita ako sa labas. Baka anong isipin ng mga nandito."

"Anong problema? Hindi ka naman nila makikilala na isa kang tao."

Lumingon nalang ako sa kaniya at ngumiti ulit. Gumaan na agad ang loob ko sa kaniya.

"Your amazing, I mean, the way you think, your different."

Ang mukha kong tuloy tuloy na sana sa pagtuon sa harap ay agad ding napalingon sa kaniya. Nakangiti pa rin siya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko ng diretso.

"Kung tungkol iyon kanina ay wala po yun. Maybe, I feel sorry of what happened to you."

"Wala kang dapat ipag-alala. Nakapagdesisyon na ako sa bagay na iyon. Tsaka, natanggap ko na naman noon pa man na ganito ang buhay ko."

Tumango-tango ako sa kanya dahil na rin sa paghanga na hindi man lang niya kinamuhian ng husto ang pamilya dahil sa pinaggagawa sa kaniya.

"Lavander ang paborito mong kulay?"

Nagulat naman ako ng banggitin niya iyon. Paano niya nalaman?

"Uh, Yes. How did you know?"

Ngumiti nalang ulit siya sabay taas ng scarf ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko ba nakalimutan ang pinakaimportanteng bagay sa buhay ko? Akala ko nawala na ang scarf na'to.

"Saan mo to nakuha? Salamat!"

Tuwang-tuwa ako ng iabot niya sakin iyon ngunit akala ko ay ibibigay niya lang pero nagulat ako ng personal niya itong isuot sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan pero hindi nabura ang ngiti sa mga labi ko.

"Naiwan mo kagabi. Ibabalik ko pa sana kaso naisip ko na baka tulog kana."

"This is the only thing I had. Regalo 'to sakin ng Mama ko nung birthday ko kaya importante talaga to saki'n" sabi ko habang niyayakap ang sarili dahil sa tuwa na nandito na ulit ang scarf ko.

"Diyan ko din nakita ang pangalan mo."

"Maraming salamat uli-"

Nagulat ako ng may biglang humila sa mga kamay ko kaya nabangga ang gilid ko sa katawan niya. Nakita ko ang walang emosyong mukha ni Ash na nakahawak pa rin sa kamay ko ng mahigpit.

"Ash?"

"Kanina pa kita hinihintay doon. Bakit ang tagal mo?" Nalaglag ang panga ko ng marinig ang sinabi niya. Kailan ko sinabing hintayin niya ako?

"Oh, sorry. Hindi mo naman sinabing may naghihintay sayo Patrice."

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak kay Ash pero hindi niya ako binitawan kaya ngumiti nalang ako ng pilit sa kaharap na Prinsipe na bumagsak ang tingin sa nagkahawak naming kamay bago sa akin.

"Uh, pasensya na-"

Hindi pa man ako natapos sa pagsasalita ay marahas na akong hinila ni Ash palayo doon kaya napalingon nalang ako sa likuran. Nakatayo pa rin si Lewis doon ngunit ngumiti lang siya ma para bang okay lang na sumama ako kay Ash.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon