Chapter 46: Bitchy Princess

2 0 0
                                    

Chapter 46

Napangiwi agad ako ng mainom ang tsaang nakahanda sa amin ngayon dito sa harapan ngayong umaga.

Pasimple akong tumingin kung may nakakita at para akong binagsakan ng ilang sako ng bato ng makitang nakatingin sa akin ang lahat. Mula sa Hari at reyna na kasabay namin sa pag-aagahan hanggang sa batang si Hestia na naguluhan yata sa ginawa ko.

Gosh! Ganon ba ako kapansin-pansin?

"Ah, pasensya na po sa inasta ko."nahihiya 'kong nilapag ang tasa sa maliit na platito tsaka pinunasan ng tela ang bibig ko. "You don't like the tea? Gaano pala kamahal ang pagkain sa inyo at ng maihanda rin namin dito." Pinagtaasan ako ng kilay ni Prinsesa Calliope na hindi yata nagustuhan ang ginawa ko. E kung ibuga ko kaya sa mukha niya ang tsaa na iinumin ko? Kahapon pa siya a!

"Calliope, nagsisimula ka na naman."naiinis na munkahi ni Iris sa kapatid. Hindi naman siya pinansin nito at inikotan pa ako ng dalawang mata. Bakit kaya ganito kagalit sa'kin ang babaeng ito? Hindi ko naman siya inaano a?

"Hindi mo gusto ang tsaa? Linda! Pakihandaan ng ibang maiinom si Patrice!" Sigaw ng reyna na nagpapitlag sa akin sa gulat. "Hindi na ayos lang po. Gusto ko naman ang inihandang tsaa. A-ano kasi, masyadong mainit." Pinilit 'kong ngumiti at para namang nakumbinsi ang reyna dahil napatango nalang siya.

"Ang sabihin mo maarte ka." Rinig 'kong bulong ni Prinsesa Calliope pero hindi ko nalang pinansin. Aba bahala siya kung ayaw niya sa'kin ha, hindi ko naman siya pinipilit na magustuhan ako.

"Magiging abala ang lahat sa araw na ito. Marami akong dapat kitain at ayusin kaya hindi ko kayo mailibot sa kaharian. Inaasahan ko nalang na ilibot kayo ni Iris rito sapagkat mas nalalaman niya ang paligid." Panimula ni Haring Silvano matapos mainom ng mahinhin ang tsaang nakahanda sa kaniya.

"Kasama ko si Ash sa ngayon kaya asahan niyo ring hindi niyo siya makakasama." Atomatikong dumapo ang mga mata ko kay Ash at nakita siyang tahimik na kumakain. Hindi ko mapigilang mapangiti kung paano niya tinatago ang kapilyuhan kapag kaharap ang buong dugong bughaw. Nagiging naamo siya at seryoso gayong alam ko naman na masyado siyang mahangin at makumpyansa sa sarili.

"Mawalang galang na po kamahalan ngunit kami po ay naririto hindi lamang bumisita kundi dahil may sari-sarili kaming mga hinaing." Sabat ni Vienna kaya agad akong napalingon sa kaniya. "Oo naman. Alam ko na ang bagay na iyon. Pagkatapos yata ng koronasyon ay mabibigyan ko ng pansin ang Orias." Kampanteng sagot ng Hari kay Vienna.

"Paumanhin ngunit ang tinutukoy ko rin po ay ang tungkol kay Patrice. K-kailangan na niyang makabalik sa mundo nila sa lalong madaling panahon."

Nagulat ako.

Kasabay ng pagkagulat ko ay ang nakakabinging katahimikan sa buong hapag. Napalingon ako kay Vienna dahil hindi ko aakalaing ipapakiusap niya ako sa harap namin, sa harap ni Haring Silvano.

Ilang segundo rin ang lumipas bago napatikhikhim ang hari at ngumiti ng malapad sa amin. " Paano ko nga ba iyan makakalimutan? Lagi na iyang pinapakiusap sa akin ni Ash." Napatingin ako kay Ash pero hindi siya makatingin sa mga mata ko. Lagi niya akong pinakiuusapan sa Ama niya?

"Iyan din ang lagi 'kong iniisip Patrice. Huwag kang mag-alala, hahanapin natin ang portal pabalik sa mundo mo."sabi ni Reyna Elisha kaya napatango ako at napangiti. "M-maraming salamat po sa inyo."

"Kung iyan talaga ang inaalala mo Patrice, ay sino ba naman ako para pagkaitan ka? Pagkatapos ng koronasyon at pagpapakilala ng anak ko ay wala na akong mahihiling pa. Pinapangako ko na makabalik ka agad sa mundo niyo." Ngumiti ako ng malapad ng magsalita ang Hari. Napatingin ako kay Vienna at hindi ko maiwasang matuwa ng hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti rin si Nic sa amin ngunit hindi ko maiwasang maguluhan ng dumapo ang mga mata ko kay Ash.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon