Chapter 25
"Katulad ng Hymrough ay apat rin ang mga Villages na nasasakupan ng Castelene. Ngunit kapag kinakailangan nyong makapunta sa Hymrough sa lalong madaling panahon ay may alam akong daan at isang Village lang ang layo." Napatitig ako ng mabuti sa mapa na pinag-aaralan namin ngayon dito sa mesa.
Pangalawang araw na namin dito sa Castelene at naisipan naming umalis mamayang gabi upang walang masyadong makakapansin sa pagkawala namin. Gaya ng una ay nandito kami sa isang mahabang mesa nakapalibot at nakalapag sa taas ang isang malaking mapa at ang mga baso ng wine sa harapan namin.
"Tinawid namin ang dagat upang makapunta sa Hymrough ng madalian but we ended landing into Castelene. Paano mo naman nasisiguro na tama nga ang daan na pupuntahan namin?" Seryosong tanong ni Ash kay Jack na napaangat ang mukha sa kaniya.
"Marahil ay mali ang tinahak niyong daan. Kapag tatawid kayo sa dagat ay pupunta kayo sa gilid ngunit gaya nga ng sinabi nyo na naabutan kayo ng bagyo ay posibleng dinala kayo ng alon sa padirechong daan sa Castelene."
Tumango-tango kaming lahat sa sinabi ni Jack na naging dahilan ng pagtapak namin sa kaharian ng Castelene. Nawalan na kami ng direksiyon noong tinangay kami ng alon ng tumaob ang bangkang sa una pa lang ay alam kong hindi ligtas.
"Dalawang karawahe ang gagamitin natin. Tig tatalo sa isa dahil hindi kaya ng karawahe ang bigat ng sosobrang bilang ng sasakay."
"May nakausap na akong mga alipin na tutulong sa mga kakailanganin natin. Baka mamaya magsimula na silang pumunta dito." Kaswal na anunsyo ni Prinsipe Lewis na minsan ay napapasulyap sa akin.
Tumango nalang ako at ininom nalang ang mataas na klase ng wine na hawak ko.
Napalingon kaming lahat sa pintuan ng may pumasok na tatlong alipin. Tuloy-tuloy lang sila sa pagpasok at nang makatayo sa harapan ay sabay silang yumuko sa amin.
"Oh, there they are. Felicia, pakisamahan nalang sila ni Patrice.".
Marahang tumango ang mga alipin na mag-gagabay sa amin sa labas. Nagsitayuan naman kami ni Vienna at Ofelia sa pagkakaupo at sumunod sa isa sa katulong na nagngangalang Felicia.
Tahimik kaming lumabas sa silid at bumaba sa ilalim. Sumunod lang kami sa kanya ng may kinuha syang mga basket at isa isa iyong binigay sa amin. "Mas mabuting unahin nyo muna ang pagpipitas ng prutas sa hardin. Sumunod kayo sa'kin."
Nagkatinginan lang kami bago sumunod kay Felicia palabas ng palasyo. Sumalubong ang nakakagaan na atmosphere sa labas habang naglalakad kami. Nagpatuloy kami sa paghakbang sa dulo bago sya lumiko sa likuran at umawang ang labi ko sa mangha dahil sa laki ng Hardin na puno ng iba't-ibang tanim. Hindi ito madaling makita dahil natatabunan ito ng mga kahoy at mga bahay na nakapwesto sa loob ng kaharian.
Kahit sina Vienna ay napaikot sa pagtingin sa paligid habang pumapasok kami. Malawak ang sinasabi nilang Hardin. Madaming mga katulong ang nagtatrabaho upang mapanatili ang ganda ng paligid. Ang mga pananim ay maayos na nakahanay sa ibat-ibang mga seksyon at ang iba'y mga hindi pamilyar na mga bunga.
"Wow... Ngayon lang ako nakakakita ng ganito." Mangha kong sambit habang nakakapit sa basket na daladala namin.
"Castelene represents Nature. Pinapahalagahan talaga nila ang paligid." Nagulat ako ng marinig ang boses ni Ofelia sa likuran ko. Abala siya sa pagkilatis ng mga bunga kaya tumango tango nalang ako sa kaniya.
"Ito ang Hardin ng Castelene. Dito namin madalas kinukuha ang mga prutas na kinakain namin. Pwede kayong kumuha ng kahit anong gusto niyo ayon sa bilin ng ikalawang prinsipe." Napangiti ako ng malamang bahala na kaming kumuha ng mga bunga sa paligid.
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasíaNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...