Chapter 20
"SASHA!" Nagulat nalang ako ng may biglang lumabas sa kagubatan na isang babae at tatlong kawal. Nanlaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Lumapit sya pero agad syang tinutukan ng espada ni Ofelia at Vienna na nakatutok ng pana sa mukha nya. Napaatras sya ngunit nanatiling nakatingin sa aki- Wait, hindi sya sa akin nakatingin kundi sa may binti ko. Bumaba ang tingin ko at nakita ang pusa doon. Sa pusa sya nakatingin!
"Don't move..." May pagbabantang sambit ni Ofelia sa babae na pinasadaan lang kami ng tingin na para bang mga baliw kami na napadpad sa emperyo nila.
"Castelene's soldiers..." Narinig 'kong bulong ni Vienna kaya napalingon ako sa kanya. Nanigas ako ng makitang bumalik ang tingin ng babae sa pusa na nasa binti ko. Mahina kong sinipa ang pusa pero mahigpit itong nakakapit sa binti ko. Nagsimula na akong mairita. Pinapahamak ako ng pusang ito!
"Kayo ang wag gumalaw estranghero. Hindi ko alam kung sino kayo pero wala akong pakialam. May hinahanap ako." Kinuha din nya ang matalim at magandang espada sa may bewang nya at tinutok din ito sa amin. Napaatras ng maliit si Ofelia ng makita ang ginawa ng babae.
Sumenyas sya sa kawal na nasa likuran lang nya at nanlaki ang mga mata ko makitang papunta sila sa direksyon ko. Sinipa ko na ng marahas ang pusa at kasabay ng pagsigaw ng pusa ay ang pagkagulo ng paligid.
Nakita 'kong umatake si Ash sa babae kaya kasalukuyan na silang naglalaban ngayon. "Ash! Stop! Hindi ako ang kukunun nila!" Halos mapaos ako sa kakasigaw pero hindi sila nakinig. Lumaban din si Ofelia at Vienna sa mga kawal na lumapit na din sa kanila kaya nataranta akong umatras.
Nagulat ako ng tumakbo ulit ang pusa sa akin kaya umatras na ako ng tuluyan at tumakbo. "Get off me! Ikaw ang dahilan!" Sigaw ako ng sigaw kaya napalingon sa akin ang babae na sinasangga ang espada na atake ni Ash. "Sasha!" Sigaw nya at akmang tatakbo papunta sa kinaroroonan ko ng pigilan sya agad ni Ash. "Where are you going... Wag mo syang lalapitan." Napatigil ako sa malamig na tinig ni Ash na nakaharap sa babae. Hindi ko namalayan na gumapang na pala ang pusa sa likod ko papunta sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko at pilit itong pinapaalis doon. Halos gumulong na ako sa buhangin pero hindi pa rin umalis ang pusa.
"Agh! Get off me! Shit!"
"Patrice!" Literal akong napalingon kay Vienna ng sumigaw sya ng malakas. Nalaglag ang panga ko ng makitang nakaluhod na sila ni Ofelia sa buhangin habang tinatalian ng mga lubid ang kamay nilang nagpumiglas. Nagulat na ako ng tuluyang bumagsak si Ash sa buhangin habang tinatadyakan ng babae.
"TEKA! TAMA NAA!" sigaw ko sa kanilang lahat kaya napahinto ang babae sa pagtadyak kay Ash. Tumulo ang dugo sa pisngi nya ay nilingon ako. Hinihingal na ako at gulong-gulo na ang buhok ko ng lumapit sya sa'kin. Nanigas ako sa kinatatayuan ng sumilip ang pusa na nagtago lang sa likuran ko.
"Meow.."
"Sasha." Nagulat sya ng makita ang pusa pero buong lakas akong nagsalita. "Please, pakawalan mo ang mga kasamahan ko. Hindi kami tagarito. Naligaw lang kami."
Tinitigan nya lang ako bago sya lumapit at kinuha ang pusa mula sa balikat ko. Tinitigan ko sya ng matagal sa mga mata pero nagulat ako sa susunod nyang sinabi."Stealing a cat from the Castelene's Monarchy is a crime. Specially..." Lumingon sya kina Ofelia na sobrang sama na ng tingin sa kanya habang nakagapos.
"Strangers"
Nanlaki ang mga mata ko ng tumalikod sya dala-dala ang pusa at hawakan ako ng nga kawal sa kamay at tinalian nila ako ng lubid. Ganoon din ang ginawa nila kay Ash na nakahawak pa sa sikmura nya na tinadyakan kanina ng babae.
"Wag! Teka, hindi kami magnanakaw! Sinabi ko na sa'yo! Naligaw lang kami!" Todo piglas at sigaw na ang maririnig ko sa buong paligid pero hindi na uli nagsalita ang babae at naglakad na habang nakasunod kami sa kanya. Hindi na rin nagsalita si Ofelia at Vienna habang nakangiwi at nakatitig ng masama sa babae.
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasyNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...