Chapter 52: Lie

4 0 0
                                    

Chapter 52



Maraming boses sa paligid at iyon din ang naging sanhi ng unti-unti 'kong pagmulat ng mga mata. Dahan-dahan ang naging paghinga ko at hindi ko maiwasang matuwa ng bumalik na ulit sa normal ito.

Siguro ay nawalan na ng bisa ang likido na nagbalik sa'kin sa nakaraan dahil alam na alam 'kong nandito na ako ngayon sa kasalukuyan.

Pero kahit nandito na ako ay hindi nawala ang sakit at mga tanong sa puso ko hanggang ngayon.

"Patrice?... Ofelia, gising na siya."biglang nagbadya ang mga luha sa mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Vienna. Sya rin ba? Isa rin ba sya sa nagtaksil sa'kin?

"P-patrice?"

Dahan-dahan 'kong nilingon ang nagsalita at hindi maiwasang bumagsak ng mga luha ko ng makita ang isa sa pinagkakatiwalaan ko. Nag-aalala syang lumapit sa'kin ngunit hanggang sa kinatatayuan lamang sya dahil nakita na nya ang ekspresyon kong umiiyak at hindi makapaniwalang nandito pa sya.

"A-asan s-si Nic?"

Binalewala ko ang tawag nya at dahan-dahan akong umupo. Agad naman akong inalalayan ni Vienna pero marahan 'kong winaksi ang kamay nya. Nanlalabo pa ang paningin ko pero sigurado na ako sa kailangan 'kong gawin.

"Patrice, mas mabuti pang magpahing—"

"Asan n-nga si Nic?" Natigil sa pagsasalita si Vienna at lumingon sya kay Ofelia kaya dumapo rin ang paningin ko sa kanya. Nawalan ako ng malay at kasama ko pa si Nic nun, paanong nangyaring nandito na ako sa silid ko at nakahiga?

"P-patrice..."

"Ano? K-kailangan 'kong makita si Nic. S-saan nyo siya dinala?"puno na ng inis ang boses ko pero nanatiling nakatayo sa harapan ko si Ofelia at nakatingin sa'kin.

"Nasaan siya? Sabihin niyo sa'kin, bakit pag-gising ko nandito na ako?"tanong ko sa kanya.

Napahinga naman sya ng malalim at tinignan muna sa Vienna bago tumingin sa mga mata ko.

"Nagising ako kanina dahil may narinig akong kalabog sa labas ng kwarto ko. Hindi ko nalang pinansin at natulog ulit pero nakarinig ako ng sigaw mo sa labas kaya sinilip ko kung ano yun sa bintana. Doon kita nakita na kinakaladkad ni Nic palabas." napabuntong-hininga muna sya at tinuloy ang sinasabi.

"Nagmadali akong lumipad para abutan kayo pero natagpuan nalang kitang nakahandusay sa mga damuhan at walang malay. Si Nic... pagdating ko doon ay wala na sya. P-posibleng tumakas sya dahil nakita nyang dumating ako."

Napailing-iling ako matapos marinig ang sinabi nya. Paano nangyari yun? Nakita ko pa si Nic bago ako mawalan ng malay. Hindi nya ako basta-basta iiwan dahil nangako siya na tutulungan akong makalabas sa mundong ito. Kailangan ko sya...kami nalang dalawa ang magkakampi.

"H-hindi totoo 'yan."

Agad 'kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin at tumayo mula sa kama. Kailangan 'kong mahanap si Nic. Kailangan ko syang makausap.

"Patrice anong ginagawa mo?" agad na tanong ni Vienna ng makatayo ako. Hindi ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa pintuan. "Saan ka pupunta?" Naramdaman ko ang pag-sunod nila sa akin pero hindi ako huminto. Binuksan ko ang pintuan at sumalubong muli ang walang laman na pasilyo sa labas ng mga silid namin.

Nakita ko kanina na malapit ng lumitaw ang araw kaya halos patakbo na akong naglakad makalabas lang ng gusaling ito. "Patrice! Hindi ka dapat lumabas!" Napahinto ako ng bigla akong hawakan ni Ofelia sa mga kamay. Malamang ginamit na naman nila ang mga pakpak nila kaya nila ako naabutan.

"Bitawan mo ako! hahanapin ko si Nic  at wala kang pakialam!"

"Hindi mo na nga sya mahahanap. Nawala nalang sya bigla!" Naramdaman ko na ang galit sa boses ni Ofelia pero tinignan ko lang sya ng masama at marahas na winakli ang kamay nya sa kamay ko. "Hindi ako naniniwala! Saan niyo sya dinala? Alam 'kong nandito lang sya."

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon