Chapter 55
Patrice's POV
"Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Kumain ka na Patrice."
Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng naririnig ang mga salitang iyan kay Vienna. Maaga pa naman ngayon pero agad na nya akong pinuntahan sa silid ko upang ilapag ang pagkain at tubig sa mesa ko para sa agahan. Kinakain ko naman talaga ang mga dala nya, hindi niya lang napapansin dahil maliit lang ang isinusubo ko.
"Vienna," tawag ko sa kanya sa nanghihinang boses. Hindi naman sya lumingon at inayos pa ang kumot na nasa sahig na ngayon.
"Kung tatanungin mo na naman ako kung magkaibigan ba tayo ay oo, magkaibigan tayo kaya ko 'to nagagawa." Mapakla akong napangiti sa sinabi niya kahit hindi naman talaga iyon ang sasabihin ko.
"Patayin niyo na ako."
Doon siya napatigil at napatingin sa akin. Hindi siya agad nakapagsalita kaya nagpatuloy ako.
"Bakit nyo pa ba pinapatagal kung iyon din naman ang gagawin nyo sa'kin? N-napapagod na ako. Gusto 'kong makalabas pero tatanggapin ko ng ito na nga ang magiging katapusan ko." Walang dumadaloy na emosyon sa mukha ko habang sinasabi ko iyon. Ni ang pag-luha ay hindi ko na nagawa.
"Patrice, 'wag mong sabihin iyan."
Lumapit sya at marahang hinaplos ang mahaba 'kong buhok. Nakikita ko ang lungkot at awa sa mata nya habang nakatingin sa akin.
"Hindi ka namin papatayin. Makakalabas ka rin at makakauwi sa mundo niyo pangako ko iyan, naiintindihan mo ba?" Hinawakan nya ang pisngi na para bang sinasabing nagsasabi siya ng totoo.
"Aalis ako ngayon kaya hintayin mo ako. Ang kailangan mo lang gawin ay magpakalakas at mag-isip ng positibo. Maniwala ka, gumagawa na kami ng paraan para sa'yo Patrice." Ngumiti siya sa'kin at agad na syang tumayo upang kunin ang dala-dala niyang backpack kanina.
"A-aalis ka? Saan ka pupunta?"
Nasa pintuan na sya ng magsalita ako. Napahinga naman sya ng malalim at binalik ang kanyang mga ngiti sa labi.
"Babalik ako. May kailangan lang akong gagawin. 'Wag kang mag-alala, babalik din ako agad." Hindi na niya nakita pa ang reaksyon ko ng agad na nyang binuksan ang pintuan at lumabas.Naiwan ako doong nagtataka ngunit wala akong magawa. Nakakulong ako rito at hindi ako pwedeng makalabas. Sana lang talaga at totoo ang sinasabi ni Vienna. Sya na lang ang inaasahan ko ngayon.
Kakahiga ko lang sa kama upang ipagpatuloy ang pagtulog ng biglang bumukas ang pintuan. Dahil nakaharap ako sa bintana ay hindi ko nakikita kung sino ang pumapasok.
"May nakalimutan ka Vienna?" mahina ang boses ko ng sabihin iyon kaya ng walang sumagot ay naisip 'kong hindi nya narinig ang sinabi ko.
"May nakalimutan ka ba-"
Wala sa sarili akong napalingon at nakita si Ash na nakatayo sa harapan ko habang nakatitig sa akin. Dahil sa gulat ko ay hindi ko na nakitang nasa gilid na pala ako kaya nahulog ako sa kama. Agad akong bumagsak sa malamig na sahig pero hindi naman iyon masyadong masakit.
"Shit, Patrice!" Narinig ko agad ang mura ni Ash at agad akong dinaluhan.
Tinangka niyang hawakan ang kamay ko para alalayan along makatayo pero bago pa nya nagawa iyon ay kumapit na ako sa gilid ng kama at tumayo. Napaatras pa ako ng makitang malapit sya sa akin ngayon.
"Nasaktan ka ba?" tanong nya pero hindi ko sya pinansin at umupo ako sa kama. Mahilig ba talaga syang pumapasok ng kwarto ng babae? What the hell is he doing here? Hindi niya ba alam na ayoko syang makita?!
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasyNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...