Chapter 62 : Rise of the Battle

2 0 0
                                    

Chapter 62

"This is all for our family! Mas kakampihan niyo ang mortal na iyan?!"

"Damn Calliope! Shut the hell up! Iuuwi kita sa ayaw at sa gusto mo!"

"Ayokong umuwi! I will kill her!"

"Calliope tumigil ka. Hindi ka dapat nakialam dito."

"Bakit hindi? May karapatan ako kasi kapatid kita! Let me go!"

Nakatulala lang ako habang nagtatalo sina Ofelia, Calliope at Ash habang naglalakad kami pabalik sa palasyo.  Yakap-yakap ang sarili ko ay mabibigat ang mga hakbang ko dahil ayoko ng bumalik. Ayoko ng masaktan pa. Napapagod na ako.

"Patrice..."

Napahinto ako ng lumapit sa akin si Ash ng may galit na mga mata. Madilim ang ekspresyon ng mukha niya ng hilahin ako sa palapulsuhan.

"We need to go back. May sugat ka." Mariin at malamig niyang sinabi habang hawak ako sa kamay.

Napailing-iling ako kasabay ng paghinto ko at pagbawi sa kamay ko na hinahawakan niya. Nagulat siya at napahinto rin.

"Patrice tara na. Huwag kang mag-alala. Ibabalik ka pa rin namin ngayong gabi. Kailangan lang muna nating bumalik sa ngayo-"

Napakurap siya ng makita ang mga luha ko na patuloy na bumabagsak pababa. Nag-iba agad ang ekspresyon ng mukha niya. Naging malambot ito habang nakatitig sa akin, tila hindi alam ang gagawin.

"Patrice."

"Tama na. A-ash tama na...please?"
Nabasag ang boses ko habang nakatingin sa mukha niya. My eyes was bloodshot. Pagod na pagod na ako at parang ilang hakbang lang ay mawawalan ako ng malay.

"I'm sorry."

Lumapit siya sa akin pero umatras ako, nakayakap pa rin sa sarili. Umiling ako at agad niya iyong naintindihan.

"W-we are in our way to your room ng bigla kaming itali ng mga kawal sa isang silid. Hindi agad kami nakalabas ni Ofelia kung hindi lang bumalik si Lewis. Patrice para akong mababaliw...para akong mababaliw kakaisip sa'yo ng makitang wala ka sa silid mo. Maniwala ka, walang ibang pumasok sa isip ko kundi ikaw. I'm sorry kung nahuli kami. Alam 'kong kasalanan ko."

"Hindi mo kailangang magpaliwanag Ash." Nakita ko ang marahang pagkunot ng noo niya. Naguguluhan siya sa inaasal ko.

"Tapos na diba? Tapos na ang ritwal. Ang kailangan lang ay patayin ako upang mawala ang sumpa sa-"

"Patrice stop it. It's not too late. Kapag sinabi ko sayong ibabalik kita ay ibabalik kita. Ang kailangan mo lang ay magtiwala." Tuluyan syang nakalapit at nahawakan niya ang kamay ko. Mahigpit, parang ayaw niya aking makawala.

"Magtiwala? Ash pagod na akong magtiwala. Pagod na pagod na akong magtiwala sa'yo."

Nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata niya sa sinabi ko. Napapikit ako. Kung kailangan ko siyang saktan upang lubayan niya ako ay gagawin ko. Kung kailangan 'kong gawin ang lahat para sa kanya ay gagawin ko.

"S-sorry.."

"Stop saying sorry Ash! Wala ka ng magagagawa!" Nagulat siya sa sigaw ko kaya lumuwag ang paghawak niya sa kamay ko.

"Pagod na pagod na ako pwede ba? Wala ng silbi ang buhay 'kong ito kung babalik pa ako sa mundo ko. Hayaan mo na ako sa gusto ng Ama mo! Hayaan mo silang ibalik ang kapangyarihan mo!"

"Patrice bakit ko gagawin 'yon?" Mariin at malamig niyang tanong.

"Kasi ayokong mawala ka!"

Nanlaki ang mga mata niya. Nagulat siya sa sinabi ko pero nawala rin iyon agad. Naging normal ulit ang mukha niya at napatitig siya sa akin.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon