Chapter 5: Look whose saving me

5 0 0
                                    

Chapter 5


"Ash..."

Nanatiling naka pigil ang hininga ko habang nakatitig sa mga mata nya na puno ng pag-aalala. Mahigpit ang  hawak nya sa kamay ko at kitang-kita ko ang pawis na namumuo sa noo nya. Gusto kong bumitaw sa kanya pero hindi naman ako baliw para gawin yun. Muntik na nga akong mamatay, wawakasan ko pa ang buhay ko.

"Don't m-move.."

Mahina ang tinig nya ng sabihin iyon. Halos bumulong sya. Siguro at mas naka focus ang atensyon nya sa sitwasyon namin ngayon.

Dahan-dahan nya akong hinila pataas. Napasigaw naman ako ng dumaplis ang paa ko sa isang bato, mabuti nalang at malakas ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

Ng maangat na ako pataas ay napahiga kami pareho sa lupa. Hingal na hingal ako habang humihinga ng malalalim. Ngayon  lang ata nabalik ang paghinga ko ng maayos.
Nakatingala ako sa taas kung saan ako bumagsak. Shit! Muntik na ako don!

Bigla 'kong naalala ang binigay sakin ni Nita na bote ng Miray . Agad akong napabangon at kinapa iyon sa gilid ko. Napahinga ako ng malalim ng matagpuan ito. "Thanks for saving me." Narinig 'kong may nagsalita sa likuran ko. Nakabangon na pala sya habang pinapagpagan ang katawan nya. I still can't believe. Sino ba namang mag-aakala na makikita ko sya dito. Sya pa ang nagligtas sa katangahan ko kanina. Like wtf? Ash? My all time enemy? Actually ako lang talaga ang turing sa kanya na enemy. Madalas wala syang pake sa mga ginagawa ko.

"Why would I say it to you? Tell me your reason."

"Because I saved you?" Bored nya pang tanong sa akin. Hah! Anong akala nya sa akin? Sobrang bait at lumuhod sa harapan nya dahil utang ko ang buhay ko sa kanya? Mas mabuti na ngang matapos na ang buhay ko. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

"I better die than to think na utang ko sayo ang buhay ko." Lumakad ako at sinubukang umakyat sa mga bato pataas. Hindi ko na sya narinig na nagsalita kaya malamang tumiklop na sya sa kasungitan ko. We're not close. Hindi ko nga alam kung kilala nya ako. Maybe kilala na nya ako dahil sya yung nakakita sakin nun sa C.R. pero hindi parin yun sapat para kausapin ko sya ng matino. I hated him for almost 5 years simula 'nong maging sila ni Nicole. Walang ibang pumapasok sa isip ko noon kundi Maninira ang isang Ash Espejo.  Inagaw nya ang bestfriend ko at wala syang ibang ginawa kundi ang inisin ako sa mga kilos nya. Buong buhay ko, tinuring ko syang kaaway at minsan man hindi magiging kaibigan.

"Patrice Evron. I know you, ikaw yung nakita 'kong walang malay sa C.R. hindi ba?" I gasped when I heard him talk. Bakit ba ayaw nyang tumahimik nalang? Hindi nya ba alam na nakakainis pakinggan ang boses nya?

Hindi ko sya nilingon at nagpatuloy sa pag-akyat at paghawak sa mga bato. Naramdaman ko namang nasa gilid ko lang sya at ginagaya rin ang ginawa ko. "You know me. So what?" Pagtataray ko sa kanya. Narinig ko naman syang tumawa kaya napalingon ako sa kanya. Nagawa nya pa talagang tumawa? "I'm Ash Espejo. Alam 'kong kilala mo na ako. I mean, lagi tayong magkalaban sa Bowling hindi ba?"

"Yeah. I know you, but can you just shup up? I'm not that interested."

"OK. I'll shut up after this. Why are you here in the middle of this damn forest?"

"Because I get into that wierd hole." Napalingon naman agad ako sa kanya matapos 'kong sabihin yun. Wait! Kung napunta ako sa ibang  dimension, it means na sya din? B-but how?

"Weird hole?" Nakatitig parin ako sa kanya habang naka display ang gulat na ekspresyon. Ni hindi ko na  napansin na masyado ko na syang nabibigyan ng atensyon na hindi naman dapat. But this curiosity just pushed me into this na kailangan ko munang isantabi ang mga galit sa panahon ngayon.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon