Chapter 51: The Revelation

3 0 0
                                    


This is the continuation of the revelation in chapter 50, enjoy!

Chapter 51

Nanginginig 'kong tinignan ang purselas na naka-kabit mismo sa kamay ko. Sobrang lakas na ng kalabog ng dibdib ko at para akong naghihintay ng ilang libong punyal na sasaksak sa'kin ngayon.

Binalik ko ang tingin sa purselas na hawak ni Nita at mas lalo akong 'di makahinga. Kahit anong pilit ko na hindi iyan ang purselas na hawak ko ay alam 'kong ako lang din ang nagloloko sa sarili ko. Hindi ako basta-basta namamalikmata lang, kahit isa walang pinagkaiba ang purselas na suot ko sa hawak nya.

Pero bakit ito na sa'kin? Aksidente lang ba talaga itong napunta sa kamay ko?

"Alagaan niyo ang purselas na iyan. Matutunton ng prinsipe ang alay sa pamamagitan ng purselas na iyan." Maingat nyang binigay kay Arturo ang maliit na box bago sya napahinga ng malalim.

"Ilang taon ang aabutin ng prinsipe sa mundo ng mga mortal hangga't hindi pa umaabot sa tamang edad ang alay. Kapag makapasok na sya sa mundo natin ay dapat syang alagaan at protektahan mula sa masasama. Tayo lang dapat ang makagamit sa kanya at wala ng iba."

Nagtinginan ang babae at si Arturo na para bang nagungusap ang mga mata nila. "Bukas ng gabi, sa pagpatak ng alas nuwebe ng gabi ay lumabas na kayo ng portal at ibigay ang sanggol kay Celestia. Sya ang kukupkop sa prinsipe habang hinihintay ang paglaki ng alay."

"Ang tinutukoy mo ba ay ang dating prinsesa na napatalsik dahil walang mga pakpak? Paano ka nakakasiguro na tutulungan nya tayo? Hindi ba at galit sya sa mga katulad natin?"

Nanlaki ang mga mata ko. Si Celestia? Nabasa ko na sya sa mga libro noon at sya ang kauna-kaunahang diwata na pinaalis sa Arrazus dahil wala syang mga pakpak. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Matagal na ang insidenteng iyon. Kahit pinatalsik sya sa mundo natin ay may malaking utang na loob pa rin sya sa hari dahil hindi sya tuluyang pinatay. Maiintindihan nya rin ang lahat at sigurado ako doon."

Mabilis ang naging pag-ikot ng paligid. Nararamdaman ko na ang katawan 'kong unti-unti ng bumibigay. Sumisikip ang dibdib ko at parang ayaw ko ng ituloy pa dahil ayokong malaman ang lahat. Gustuhin ko mang umalis rito pero hindi ko magawa, hindi pwede. Kailangan 'kong malaman ang lahat.

"Ano ang  kasarian ng batang binubuntis nya?"

Nagmulat ako ng mata at sumalubong ang tindig ni haring Silvano na nakaharap sa isang matandang babae sa loob ng palasyo.

"Hindi ako pwedeng magkamali kamahalan. Babae po ang nasa loob ng sinapupunan nya."

Bigla akong kinilabutan ng unti-unting ngumiti ang hari na para bang may narinig na ka-aya aya para sa kanya. Mahina syang pumalakpak at naglakad-lakad sa loob.

"Magaling... Ngayon hindi na ako mahihirapang hanapan pa ng mortal si Ash dahil mapapakinabangan ko na ang mortal na pumaslang sa mahal ko. Sisiguraduhin 'kong pagbabayaran nya ang lahat ng lalapastangang ginawa nya!"

Ilang segundo akong nabingi at nanghina. Biglang nanginig ang mga tuhod ko na isang tulak nalang ay bibigay na ito. Hindi ko na maintindihan kung bakit, bakit kailangang ako pa?

Hindi ako baliw para hindi maintindihan ang tinutukoy ng hari. Ako ang mortal na naisip nyang ialay upang makaganti sya kay Mama. Ako ang mortal na iaalay nila upang bumalik ang kapangyarihan ni Ash.

Bumagsak ako ng tuluyan sa sahig. Umagos ang luha sa mga mata ko dahil sa hinanakit sa sarili. Bakit ba ang tanga tanga ko? Bakit hindi ko man lang naisip ang lahat?

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon