Chapter 40: Leave

4 0 0
                                    

Chapter 40

"Patrice!"

"Patrice...."

Nagdilat ako ng mga mata at hindi ko mapigilang magpalinga-linga sa paligid ng malamang nasa isang pamilyar ako na lugar. Hindi ko lang masyadong maaninag dahil nanlalabo pa ang paningin ko pero ng ihakbang ko na ang mga paa ko ay unti-unti ko ng nakikita ang paligid.

"Tita Raquel!"

Napakunot ang noo ko ng makita ang isang batang babae na patakbong lumabas ng isang bahay at niyakap ang isang babae—wait? Si Mama?!

Naglakad ako papalapit sa kanila upang maaninag pa ng mas maayos ang sarili dahil mula sa kinatatayuan ko ay hindi ko sila masyadong nakikita. "Happy Birthday!  Nicole!" Nakangiting usal ni Mama habang masayang niyakap ang batang babae na nalaman 'kong si Nic pala. Pero bakit ko naman nakikita sila ngayon? Hindi ko maintindihan kung totoo ba o panaginip ang nakikita ko dahil sa nakikita ko, mukha kasing totoo. Nararamdaman ko iyon.

"Salamat po tita pero diba dapat kami lang ang pupunta sa inyo? Asan po si Patrice?" Kunot-noong tumingin ang bata sa likuran ni Mama na para bang may hinahanap ngunit sinuklian lang siya ng  matamis na ngiti ni Mama gaya ng laging ginagawa niya. "Ah, pinuntahan lang muna kita dito kasi may ibibigay akong regalo. Diba birthday mo? Baka kasi mainggit si Patrice e,"

"Talaga po? Kung gayon, pasok po muna kayo sa loob tita."

"Ay hindi na Nicole. Babalik rin ako kaagad sa bahay baka kasi hanapin ako ni Patrice. M-may ibibigay lang ako sa iyo." Napakunot ang noo ko ng marinig pa ang nauutal na boses ni Mama na para bang kinakabahan habang may kinukuha sa dala-dala niyang shoulder bag. Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata ni Nic habang nakatingin kay Mama. Ang mukha niya, siya talaga 'to nung mga bata pa kami, pero bakit hindi ako sinama ni Mama at hindi ko man lang alam na may binigay siyang regalo kay Nic.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon