Dedicated to Rodessa Morallo. Ayaw niya kasi sabihin yung acc. niya, an arte HAHAHAA.
Chapter 39
Binalik ko ang tingin kay Ash matapos 'kong tignan ang purselas (bracelet) sa kamay ko. Hindi na siya umiilaw gaya ng kanina ngunit hindi ko alam pero hindi mapakali ang dibdib ko. Ano ba
talagang nasa purselas na 'to? Bakit parang connected siya kay Ash?
"Baka gusto mo munang uminom ng tsaa at iwan si Ash dito?" Napalingon ako sa may pintuan ng kwarto ni Maestro Liro kung saan nakahiga si Ash ng marinig ang boses ni Vienna.
"Uh, wag na. Ayos lang ako." Binalik ko ang tingin kay Ash na mahimbing pa ring natutulog. "Hindi ko talaga malaman kung anong nangyayari sa kanya. H-hindi ko alam kung bakit lagi siyang sumusuka ng dugo."
"But he's fine now right?" Paninigurado ko kay Vienna. Napahinto naman siya sa paghawak sa dibdib ni Ash kung saan lumalabas ang mga kakaibang enerhiya sa kamay niya at bumuntong-hininga. "K-kung ako ang pasasagutin? Honestly, he's not. Wala akong makita na kakaiba sa kaniya. Wala akong kakayahan ngayon, lalo na at wala akong libro na mababasa." Napayuko ako at napatango sa sinabi niya. Kahit ako, naguguluhan na kung bakit ganito si Ash. Akala ko lang nung una masyado siyang nainitan o hindi nasanay sa paligid ng mundong ito pero nakakagulat talaga ang nangyari sa kanya kanina. Basta-Basta nalang siyang bumagsak at hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kaniya.
"Asan ka pupunta?" tanong ni Vienna ng makitang bigla akong tumayo sa kinauupuan. "M-magpapahangin lang." sagot ko at binuksan ang pintuan. Napahinto ako ng maabutan sina Rodessa, at si Prinsesa Calliope na nakaupo sa harap ng mesa. "Patrice! Gusto mong kumain? o uminom ng tsaa?" tanong ni Rodessa sa akin na agad kong kinailing. "Uh, salamat nalang pero wag na. Lalabas lang muna ako. Sina Ofelia?"
"Nasa loob sila ng kwarto ni Ama kasama si Prinsipe Lewis. Hindi ko alam kung nasaan si Jac—"
"So you're calling her Ofelia? Just that?" Napahinto sa pagsasalita si Rodessa ng biglang sumabat si Prinsesa Calliope at tinaasan ako ng kilay. Napalunok ako at hindi malaman ang isasagot sa kaniya.
"Calliope. I need to talk you." Natigil lang ang tensyon sa paligid ng biglang sumulpot si Ofelia sa likuran namin. Napahinga ako ng maluwang ng dumating siya. Tumingin muna sa akin ng matalim si Prinsesa Calliope bago umalis at sumunod kay Ofelia sa labas.
"Pasensya ka na kay Calliope. G-ganyan talaga siya minsan." Sabi ni Rodessa. Napangiti ako at umiking sa kaniya. "Hindi ayos lang. Lalabas lang muna ako." Sabi ko at agad na lumabas sa bahay. Napahinto pa ako ng makalabas na dahil hindi mawala sa isip ko ang matalim na mga titig ng prinsesa sa akin. Mukha kaya akong nangangain ng tao?
Napakunot ang noo ko ng makitang naglalakad si Jack sa isang dako at lumiko sa isang eskinita ng Village. Napahinga ako ng malalim at naglakad upang sundan siya.
Isang tahimik na ilog ang bumungad sa akin ng makarating sa gilid ng Village. Nakita ko na agad si Jack na nakaupo sa harapan ng ilog habang binabato ng mga bato ang tubig. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at 'di sinasadyang matapakan ang isang bato kaya bigla akong nadapa at bumagsak sa gilid ni Jack. "Patrice?" Gulat na gulat siyang tumingin sa akin at akmang alalayan ako ng hawakan ko lang ang kamay niya at ilayo. "Kaya ko na. Salamat." Nahihiya 'kong salita at pinagpagan ang damit na suot ko.
"A-anong ginagawa mo rito? Maghahating-gabi na a."
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Maghahating-gabi na din a?" balik 'kong tanong sa kaniya at umupo sa tabi niya. Hinarap ko ang ilog at napangiti ng makitang kumikislap ang tubig nito dahil sa liwanag ng buwan.
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasyNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...