Chapter 30
Bumagsak ang tingin ko sa purselas na nasa kamay ko. Medyo napahinga ako ng malalim ng makitang papahina na ang ilaw na nakapalibot doon. Bumalik ang tingin ko sa itaas kung saan malaya kung nakikita ang mga bituin sa kalangitan at ang buwan na bilog na bilog at maganda ang hugis. Sinayaw ng hangin ang suot 'kong damit at ang buhok ko dahilan ng pagpikit ko ng mariin upang mas madama ang paligid.
Habang nakapikit ako ay pumasok ang mga masasayang ala-ala noon na sa tingin ko ay hindi ko na yata makakamtan ngayon...
"Anong mas maganda? Itong blue or white?" Nakangiting bungad ni Nicole sa akin habang nakasampa ako sa kama at abala sa pagtingin ng mga picture namin noong mga bata pa kami.
Napalingon ako sa kaniya at nakita siyang nakangiti at naghihintay ng sagot ko habang tinataas sa magkabilang kamay ang dalawang magkaibang dress na kanina pa niya kinukulit sa'kin. "Wala bang lavender? Ampangit ng kulay." Usal ko kaya agad siyang napasimangot at bumagsak ang mga balikat.
"Salamat sa tulong mo ha" sarkastiko niyang sabi kaya natawa nalang ako. "Bakit ba kasi kailangan ng ganyan? Isang araw lang naman tayo sa probinsya at uuwi rin tayo agad."
"Alam mo, ang epal epal mo. Syempre pupunta tayo dun sa beach!" Excited niyang sigaw at parang palaka na tumawa at binalik na sa closet ang asul na damit na halatang hindi niya napili. "E bakit may dress? Maliligo ka ng naka dress?"
"Duh, para yun sa pictorial. Syempre dapat may mga pictures ako sa IG no?"
"Bruha, hindi na 'yan kakasya sa maleta mo. Sa dami dami ba naman ng mga gam—"
BINABASA MO ANG
Behind Those Wings (COMPLETED)
FantasyNoon pa man, namulat na si Patrice sa isang buhay na wala ang Ama sa tabi. Gayunpaman, ginawa niya ang lahat upang maging normal lang na istudyante ng isang unibersidad. Pero isang kakaibang bagay ang napulot niya sa isang C.R. na nagpabago ng buong...