Four years na si Ashton at Adira. Pero sa loob ng apat na taon ay hindi pa din nakikilala ni Adira ang mga magulang ni Ashton dahil nasa California ang mga ito.
Nang dumating ang araw na umuwi na sa Pilipinas ang mga magulang nito, wala itong ibang ginawa kundi husgahan at pagalitan si Adira.
Tutol ang mommy ni Ashton kay Adira dahil mas kilala niya si Elodia, ang kababata ni Ashton at kaibigan na ni Adira.
Inintindi ni Adira ang mommy ni Ashton pero dumating ang araw na hindi na kinaya ni Adira kaya sinagot na niya ito na ikinagalit ni Ashton.
Nag away sila sa loob ng isang buwan hanggang sa ilang buwan na hindi umuuwi si Ashton at nabalitaan ni Adira kung nasaan ito at laking gulat niya nang makita kung anong ginagawa nito.
Dahil sobrang nasaktan si Adira ay nagpanggap itong pumunta na sa ibang bansa pero ang totoo ay nasa Batangas lang siya.
Mag isa niyang tiniis lahat ng sakit hanggang nalaman niyang buntis siya.
Si Avery naman ang to the rescue at taga pilit na patawarin na ni Adira si Ashton.
Pero papatawarin kaya niya?
-
Minsan naging madali sa atin ang magpatawad pero kahit gaano pa natin kagusto na wag magtanim ng sama ng loob ay nagagawa pa din natin dahil nasaktan tayo.
Minsan inaakala natin tama na ang nagiging desisyon natin sa buhay pero mali pa din pala.
Minsan akala natin na hindi natin kakayanin mag isa pero dahil nasanay na tayo, kinakaya na lang natin.
Dahil sa sakit na pinaranas sa atin ng tadhana, natuto na tayong lumaban mag isa dahil pagdating sa dulo, sarili lang natin ang tanging kakampi na meron tayo.
-
-
-
NOTE: Hindi ko sure kung ituturing ko ba itong kadugtong ng THE FEARLESS pero lahat ng bida sa kwentong ito ay nasa kwentong THE FEARLESS din po. May ilang parts na connected sa THE FEARLESS kaya medyo nakakalito.
Pero kung nabasa niyo na po ang THE FEARLESS mas maiintindihan niyo at kung hindi niyo pa nabasa, sana ay basahin niyo hehe.
Please vote, comment and share.
Godbless!😇
YOU ARE READING
Asier
General FictionTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...